Chapter 2

8 0 0
                                    

Sweet Summer Breeze

Chapter 2 *Kiss?*

Fernandez's Resthouse

-Zorich

Ang epal ng babaeng iyon. Sino ba siya sa akala nya? 

Ang ingay, parang bata. Sabihan daw ba akong Mr.Suplado? 

What's her problem?

Akala ko masaya ang bakasyon ko dito sa resthouse. Mukhang hindi ata. 

Ngayon ko na nga lang ulit mae-experience ang bakasyon sa dati naming bakasyunan ng mga kababata ko, may asungot pa. 

Inayos ko pa ang buong bahay para matuwa si Mhei. Well, natuwa rin naman siya, na-badtrip lang dahil daw pinatulan ko pa ang kasama niya. 

But that girl! Sya ang nag-umpisa ng lahat. 

Ako pa ang napagbintangan. 

Tss.

Kahapon pa ako nandito sa resthouse, pinapunta ako ni mama. Nabalitaan kasi nya na magbabakasyon si Mhei dito ngayon, kaya ako din excited na makasama siya sa bakasyon. 

Siguradong ayaw na nya ang mag-isa dito sa resthouse kaya gusto ko siyang samahan. Syempre, pinsan ko siya. 

Ganun talaga.

Pero yung nangyari kanina, hindi ko inaasahan. May kasama si Mhei na kaibigan nya kaya nung makita ko sila, sinenyasan ko yung maid na maghanda ng isang kwarto para doon sa kasama nya. 

Tapos, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong sinabihan ni Mhei na ang suplado ko daw. 

Narinig ko na lang din na sumigaw yung babaeng iyon ng

"Hoy Mr.Suplado, bakit ang suplado mo?!"

O diba? Parang ewan lang. 

Tapos nagalit pa sa akin si Mhei. Hay.

Ngayon ay papunta na ako sa kwarto ni Mhei. Nag walk-out sya kanina nung inaawat nya kami. Naiinis siguro iyon. 

Kumatok ako sa pinto.

"Mhei?"

Bumukas ang pinto. Tapos lumabas si-

Bigla ko na lang niyakap si Mhei para patawarin na nya ako.

"Mhei, sorry na. Promise I won't mess up again with that stupid girl. Patawarin mo lang ako, please."

"Stupid girl?"

Huh?

Hindi ata si Mhei ito, Kasi nakikita ko sa loob ng kwarto si Mhei, nakatingin sa akin at tumatawa.

o.0

Eh, sino itong yakap ko?! Tiningnan ko, what the-!

"Lumayo ka nga!!"

Tinulak ko sya palayo.

"Ang kapal ng mukha mo, mister. Ikaw itong bigla na lang nangyayakap pagkatapos ako pa ngayon ang sinisigawan mong lumayo? Pwede ba."

Nakakahiya.

"Tapos ang tawag mo sa akin, Stupid Girl? Wow ah, gantihan pala tayo."

Ni hindi ako makapagsalita, nakakahiya talaga.

"Hoy Mr. Suplado, ok na sa akin yung nangyari kanina. Kaso napag-alaman ko na manyak ka pala, tapos ikaw pa itong nagmamaang-maangan at bigla na lang hindi makapagsalita."

Lagot, tinatadtad na nya ako. Kelangan ko ng sumagot.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa kwarto ni Mhei? Bigla ka nalang sumusulpot diyan."

Nakikita ko pa rin si Mhei na tumatawa. Hay, hindi mo ba ako tutulungan dito mahal kong pinsan?

"Ewan ko, baka kasi magkaibigan kami at pwede naman po kaming mag-usap sa kwarto nya."

"Nakakainis ka nang babae ka ah. Konti nalang talaga papatulan na kita."

"Hoy, Zorich!"

Saway sa akin ni Mhei. Eh nakakapikon na talaga. Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga babae, kaya hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. 

Ewan ko nga rin kung bakit ko nagawang pumatol dito sa taong ito.

"Hahaha, alam mo, ikaw lang ang kilala ko na marunong pumatol sa babae. Nakakatawa talaga."

Anong nakakatawa doon?

"Pero kung gusto mo talaga akong saktan, feel free. Hindi naman ako yung akala mong iyakin na bata."

Hinahamon niya talaga ako eh. O sige. Masuntok nga. Kahit mahina lang naman, susubukan ko lang.

Pero nung gagawin ko na, pinigilan nya ang kamao ko gamit ang isang kamay. Pagkatapos, hinila niya ako papalapit sa kaya. 

Ewan ko, pero mas malakas sya kumpara sa isang babae kaya nagawa nyang pasunurin ako ng walang kahirap-hirap.  

Napalapit ako sa kanya ng husto hanggang sa wala na akong magawa nang bigla nya akong hinalikan sa pisngi. 

Saka nya ako pinakawalan.

o.0

Ano yun? 

Now, I heard Mhei laughing no more.

"Ang sabi ng kuya ko, kapag may naiinis o nagagalit sa akin, kiss sa cheeks ang katapat para mawala ang inis nila sa akin."

Ano raw?

"Hala Zean. What have you done to him, natulala na."

I heard her laughing.

"Ok lang yang pinsan mo Mhei, siguro unang beses pa lang nyang nahalikan ng babae."

Lumapit ulit sya sa akin, tinapik nya ako sa balikat.

"Tama ba ako, Zorich? So, hindi ka na ba galit sa akin?"

She smiled.

-end of chapter 2-

Sweet Summer Breeze♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon