Chapter 3

6 0 0
                                    

Sweet Summer Breeze

Chapter 3 *Big Brother's Rescue*

Fernandez's Resthouse

-Cedie

"Good day, Ikaw ba si Mr. Cedie Magpantay?"

What's with these guys wearing tuxedos and interrogating me? 

Ako nga si Cedie Magpantay.

"Uhm..bakit?"

"Ikaw ba ang nakatatandang kapatid ni Ms. Zean Magpantay?"

Ok, alam ko na ata kung bakit.

"Uhm..yeah, I am her big brother. Bakit po?"

"Sumama ka sa amin."

He grabbed my arm and try to drag me outside.

"Teka teka nga lang po, Mr.Tuxedo. Hindi ko po alam kung bakit kayo nakapang-JS Prom at kung bakit nyo po ako dadalhin sa kung saan nyo gusto. 

But with all your respect, sir, nasa kalagitnaan po ako ng summer advancement chemistry class ko at hindi po ako sasama sa inyo."

Ano bang problema ng mga ito? Parang may ginawa akong kasalanan sa gobyerno at sa school pa nila talaga ako aarestuhin. 

Nabanggit pa nila ang pangalan ng mahal kong kapatid na ubod ng kulit.

Lord, sana naman hindi ako dinamay ng kapatid ko sa mga kalokohan na nagawa nya. 

Gusto ko pa pong mabuhay ng marangal at may dignidad.  

Ayoko pong makulong, lalo na't alam kong wala akong kasalanan.

"Mr. Magpantay, sumama ka na sa kanila."

What? Pati ang prof ko, pinipilit ako na sumama sa kanila? 

Oh no!

Binitbit nila ako ng parang ferrero rocher box lang.

"Wait! Bitiwan nyo ako! Wala akong kasalanan! Ikukuha ako ng parents ko ng abugado, not guilty ang pasya ng judge! 

Mapapahiya lang kayo, wait! Ibaba nyo ako!! Waaah!!!"

Ok. Parang ako si Tanga.Pinagtatawanan na ako ng mga tao dito sa University, siguradong kakalat na ito sa buong campus.

Headline: Ang Campus Heartrob na si Cedie Magpantay, inaresto sa salang hindi nya alam!

Hinila nila ako at pilit na isinakay sa kotse. Pagkatapos, binitawan na nila ako. 

Huh?

"Saan po ba tayo pupunta?"

Hindi nila ako sinasagot. Kanina, kung anu-ano sinasabi nila tas ngayon, hindi na sila magkapagsalita. 

Hay.

-----------------------------------

Nakatulog ako sa haba ng byahe. 

Saan kaya nila ako dinala? 

Nakakakita ako ng beach. Hala, ipapatapon ba nila ako sa dagat at ipapalapa sa mga pating? 

Oh no!

Sa gwapo kong ito, ipapakain lang nila ako sa mga low class na pating? 

Oh please. Sana naman hindi.

Huminto yung kotse. 

Pinababa na nila ako. Nakakasilaw yung sikat ng araw, eh pano? 

Tanghaling tapat na oh! Yung skin kooooooo. T-T

May nakikita akong dalawang babae sa may labas ng malaking bahay. 

Oh my gosh, ipapa-rape muna nila ako bago ipakain sa pating? 

Grabe.

Patakbong lumapit sa akin yung isa, teka! 

Susunggaban na ata ako nito, wait! 

Di pa ako ready. 

Waaah!

Napapikit na lang ako ng lumapit na sya sa akin at niyakap ako.

"Cedie my love!"

Ano?!

Pag dilat ko, nakita ko si Mhei. Naka-cling sa akin. 

Oh my gosh, this is the worst. 

Bahay ba ito ni Mhei?

"Hi kuya." -Zean

Nakangisi sa akin si Zean.

"Hoy bata ka, ano na naman bang ginagawa mo?"

"Kuya, relax."

"Sabihin mo bakit ako nandito?! At pwede bang ilayo mo ang kaibigan mo sa akin! Parang na-glue na ata sa katawan ko!"

Grabe lang itong si Mhei, kung makayakap wagas.

"Eh, kuya-"

"Lumayo ka nga sa akin Mhei!"

Nasigawan ko tuloy. Ang kulit nya kasi, nasasakal ako sa ginagawa nya. 

Napahiwalay sya sa akin, tapos nakita ko na lang na mangiyak-ngiyak na sya. 

Hala.

"B-bakit ka kasi nakayakap..?"

"Bakit ganyan ka sa akin, Cedie?" -Mhei T.T

Bigla akong hinawakan ng mga tuxedo guys.

"Na-miss lang naman kita." T.T

"Eh k-kasi, hindi ako makahinga sa yakap mo."

Naiiyak na siya. "Gusto ko lang naman ang mayakap ka eh...hck."

Eh, parang naaawa ako na ewan, bakit kailangan pa niyang umiyak? Ang OA naman. =__=

"Kuya!"

Nakakagulat ang sigaw ni Zean, nilingon ko siya tapos...ABA! Binatukan ako?!

"Ang gwapo-gwapo mo tapos nagpapa-iyak ka ng babae. Hmmmp!"

Nakakatuwa. Ang gwapo ko daw, hmmm. Teka!Pinilit kong makawala sa pagkakahawak ng mga tuxedo guys, binitawan naman nila ako. Good. 

Tapos nag-cross arms ako.

"Ay, Zean. Hindi ko alam sa kaibigan mo. Hindi ko naman sinabing umiyak siya sa harap ko. At hindi ako ng may kasalanan. Siya ang nananakit, 

nakakasakal ang yakap niya at-"

"Ang daldal mo kuya!"

Hinila nya ang kwelyo ko tapos hined-butt ako! Aish~!

"Ang sakit! Zean! Bakit mo ginawa yun!"

Sapo ko pa rin ang noo ko. Pakiramdam ko, dumudugo ito. T.T

"Zeaaaaaannnn!"

Hinabol ko siya ng bigla siyang tumakbo papalayo sa akin, tumatawa pa siya habang nakikipaghabulan sa akin sa buhangin.

Tapos bigla siyang nadapa. Bwahahahahaha....

-end of chapter 3-

Sweet Summer Breeze♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon