Chapter 7

5 0 0
                                    

Sweet Summer Breeze

Chapter 7 *He look exactly like him*

Fernandez's Resthouse

-Zean

Ang cute naman matulog ng nilalang na to. 

Hindi mo akalain na ang sungit nito pag gising. 

Ang sabi ni Mhei sa akin, hindi naman talaga masungit itong pinsan niyang si Zorich. 

Ewan niya nga daw kung bakit ganito yun ngayon. 

Pero naniniwala naman ako sa kanya, kasi halata naman sa mukha ng taong ito ang pagiging mabait. 

Hmm..

Hala, dumilat siya. 

Siguro di pa niya ako napapansin. 

Nandito lang kasi ako sa may gilid ng upuan na tinulugan niya. 

Bale mula sa side view ko siya tinitingnan.

Eh, biglang bumaling sa kanan, kung saan naroon ako. 

Ngiti Zean.

"Hi. Gising ka na pala. Magandang gabi." ^___^

Hala, nagulat ata. 

Napabalikwas sya sa kabila, pero nahulog siya bigla.

"Aray."

"Hala, ok ka lang?" Yan kaseee...hehe.

Sinigawan nya ako pagkatayo nya.

"Mukha bang oo?! Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?!"

Napayuko ako. "Sorry, gigisingin lang sana kita. Sabi kasi ni Mhei, kakain na. Buong araw ka kasing tulog..."

Nag-face palm. "Sana pinagising mo nalang ako sa maid, ayokong nasa kwarto kita."

"Gusto ko sana eh, kaso wala akong makitang maid sa laki ng-"

Ang totoo, ako ang nagprisinta na gumising sa kanya. Aasarin ko sana, alam mo na. 

Mas magandang magbiro sa bagong gising. Kaso masyado akong na-distract sa mukha niya habang pinagpaplanuhan yung operasyon-pambubwisit ko. 

Kaya ayun, pinanuod ko na lang siya matulog.

"REASON." sabi nya tapos pinandilatan ako ng mata.

"Hmm, oo naman talaga eh. Pasalamat ka nga at ginising ka eh. Tsaka bakit ba ang sungit sungit mo? Inaano ba kita?"

Hehehe...ayan. Naaasar na. 

Ang dali niyang asarin.

"Mukha ka pa namang mabait. Yun yung first impression ko sayo. Eh ang sunget mo pala. Tapos nung pinagmasdan kitang natutulog, mukha ka talagang mabait. May kamukha ka nga eh."

"Pero, imposible yun...ahm. Basta, ang bait mo tingnan, pero nung nagising ka, ang sunget mo na naman."

Totoo, may kamukha siya. Pero ayaw ko na isipin kung sino. 

Baka kung ano pa mangyari sa utak ko. Nyahaha...

"Sino yung sinasabi mong kamukha ko?"

Pero hindi ko mapigilang mag-init ang mukha ko. 

Hoy, hindi ako nag-blush! Naiinis ako. 

Sabing wag na alalahanin ey. Tsss

"Wala."

"Ahm, guys."

Biglang sulpot ni Mhei sa may pintuan.

"Tara, dinner is ready. Ano bang pinag-uusapan nyo dyan?"

"Ah, wala. Wala, hmm. Tara na kasi Zorich! Kain na tayo sa baba. 

Mhei, pagsabihan mo nga iyang pinsan mo! Andaming inarte sa buhay."

Sabay karipas ng takbo pababa. Narinig ko pa si Zorich na, "Aba! Ako pa talaga ngayon-" 

Hanggang dun lang eh, tumakbo na talaga ako pababa hanggang sa makalabas ako ng resthouse. 

Nakarating ako sa dalampasigan.

"Ahh..."

Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luha na nagbabadya ng pagpatak. 

Ewan ko kung bakit ganito. Aish! 

Naaalala ko siya. 

Hanggang ngayon, ang sakit pa rin kasi. 

Napa-upo ako sa buhangin.

"Hoy, kung iiyak ka, tawagin mo ako. Para may magpapatahan sayo kapag sobra na at hindi ka na makahinga."

Ayan na nga, sunod-sunod ng tumulo. 

Si kuya Cedie kasi eh. 

Nilingon ko siya, nakatayo sa tabi ko at nakaharap sa dagat. 

Saka siya tumingin sa akin at umupo sa tabi ko.

"Kuyaaa..." 

He patted my head at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Alam kong naaalala mo pa sya. Kamukha niya kasi yung lalaking yun, diba?" 

Tumango ako, then I reached out for kuya's sleeve para ipunas ang luha ko.

"Ay! Naknam-" 

Nagulat pa si kuya, pero hinayaan na lang ako. Wala na syang magagawa eh.

"Oo na nga. Tsk! Pasaway ka talaga.." 

Binatukan niya ako ng mahina. 

Napatawa ako. Pati na rin siya.

"Kuya, nakakainis naman. Bakit kasi niya kamukha si Sky?"

Yeah. Si Sky, my ex-boyfriend. 

I heard kuya sighed.

"Hindi ko alam, pero talagang kamukha niya noh? Siguro, kakambal niya yun?"

"Nge?!"

Natawa si kuya sa reaksyon ko.

"Yung g@gong yun. Di ka pa talaga nilulubayan. Hanggang ngayon, pinapaiyak ka pa din."

"Kuya, wala naman siyang kasalanan. Ako naman yung di maka-move on. Ako naman itong nagkokontrol ng mga luha ko."

Pero parang gusto ko rin siyang sisihin.

"Ay, ganun? Ok, ang tanga mo talaga kasi lil sis. Ikaw ang nakipag-break tapos iiyak-iyak ka diyan."

I sighed. Ganun din si kuya.

"Hay, tara na nga sa loob. Gutom na ako."

Tumango nalang ako. At sumabay sa pagtayo ni kuya. 

Paglingon ko likuran ko, nandun siya. Si Zorich.

"Bakit ka umiyak? May nagawa ba akong mali?"

-end of chapter 7-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Summer Breeze♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon