[Kabanata 14]
NANG makauwi si Romeo matapos ang pagbabantay sa mahabang pagsusulit ng mga estudyante buong araw ay nagtaka siyang napatingin sa buong bahay matapos mapansin ang mga kasambahay na abala sa paglilinis sa salas. Maging ang mga kusinera ay abala sa pagluluto ng panghimagas.
Inilapag ni Romeo ang kaniyang gamit sa mesa ng salas. Natanaw niya si Catarina pababa ng hagdan. Nakabihis na rin ito suot ang kulay lila na baro't saya. "¿me perdí algo importante?" (Did I miss something important?) tanong ni Romeo na napalunok. Mahusay siya sa debate at kabisado niya ang bawat batas subalit mahina siya pagdating sa pag-alala ng mga araw.
Napansin ni Romeo na naging maputla ang histura ni Catarina. Inalalayan niya ito pababa ng hagdan nang mapagtanto na mas bumagal ang lakad ng asawa. Nakumpirma ni Romeo na may kakaiba nga sa kalusugan ni Catarina dahil sa lamig ng palad nito.
"Vendrán Nova y Segunda." (Nova and Segunda will come over.) tugon ni Catarina na tila paos ang boses. Sinubukan nitong ngumiti ngunit halatang pinipilit na lang nitong kumilos. Naalala ni Romeo na inimbitahan ni Catarina ang dalawa sa kanilang tahanan. Hindi niya akalain na mas mapapaaga ito.
"Tengo una confesión sacramental el domingo. Nova y Segunda acordaron venir aquí hoy." (I have a sacramental confession on Sunday. Nova and Segunda agreed to come here today.) patuloy ni Catarina na muntik mawalan nang balanse. Mabuti na lang dahil nakakapit na siya kay Romeo.
"¿Te sientes bien? Podemos enviar un mensaje para reprogramar su fiesta de té." (Are you feeling well? We can send a message to reschedule your tea party.) suhestiyon ni Romeo ngunit marahang umiling si Catarina saka ngumiti.
"Estoy bien. Nos sentaremos y hablaremos." (I'm fine. We will just sitdown and talk.) wika ni Catarina saka marahang tinapik ang pisngi ni Romeo. Ngunit bago sila tuluyang makababa sa hagdan ay tuluyan nang bumigay ang katawan ni Catarina. Nawalan ito nang malay. Mabuti na lang dahil nasalo agad siya ni Romeo.
"Catarina!" Paulit-ulit na wika ni Romo upang gisingin ang asawa ngunit wala itong kibo. "Ipahanda ang kalesa. Madali!" sigaw ni Romeo. Agad tumakbo ang kasambahay upang tawagin ang kutsero. Napatigil din sa pagluluto ang mga kusinera na dumungaw mula sa kusina. Natunghayan nila kung gaano pinaghandaan ni Catarina mabuti ang araw na ito. Umaga pa lang ay sumama ito sa pamilihan upang personal na piliin ang mga sangkap at tsaa.
Binuhat na ni Romeo sa Catarina palabas ng bahay nang sabihin ng kasambahay na naghihintay na ang kalesa sa labas. Pagbukas ng pinto ay napatigil siya nang makita si Nova na akmang kakatok pa lang sa kanilang pinto.
"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Nova. Agad tumakbo sina Segunda at Xavier papalapit.
"Kailangan ko na siyang dalhin sa ospital." Saad ni Romeo na tila wala sa sarili. Hindi nakapagsalita sina Nova, Segunda at Xavier matapos makita ang hitsura ni Catarina na bagsak na ang buong katawan, namumutla, at nangingitim ang labi.
Nang maisakay ni Romeo si Catarina sa kalesa ay sumunod din sina Nova, Segunda, at Xavier patungo sa pagamutan sakay ng kanilang kalesa. Mabuti na lang dahil maluwag ang daan at maliksi ang bagong kabayo na nabili ni Romeo. Madali nilang narating ang pagamutan sa bayan. Agad inasikasot ng doktor at mga katiwala ng pagamutan si Catarina.
Nanatiling nakatayo sina Nova, Segunda, at Xavier sa gilid habang pinagmamasdan ang pagsusuri ng doktor. Bakas naman ang matinding takot at pag-aalala sa hitsura ni Romeo habang nakatitig sa walang malay na asawa. Madalas niya itong paalalahanan na huwag na kumilos sa bahay at kung maaari ay huwag gumawa ng mabibigat na gawain dahil hindi kakayanin ng katawan nito ngunit may mga pagkakataon na hindi nakikinig si Catarina lalo na sa tuwing naiinip ito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Segunda
Historische RomaneDe Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin n...