Season 2 - Chapter 19: Accused

662 24 0
                                    

It's been a week of historical lessons. Celestial Beryl have already learnt a lot. Inubos ang unang linggo ng pagtalakay sa nakaraan, isang technique umano ng Academy para malaman at makilala ng mga estudyante kung ano at sino ang target nila.

It was always the Royals of Eufrata. Hindi man direktang ituro iyon sa kanila, base sa mga examples at lessons isa lang ang pinaparating na kaaway ng main Abyss, ang Eufrata. Marami pang Abyss sa Beryllus, halos lahat ng kaharian ay may kaharap na Abyss. At saktong ang main Abyss ang mortal na kaaway ng Eufrata.

One thing Celestial Beryl still do not have. Friends. She's been out of place, wala siyang pag-asa sa mga nobles. Hindi siya tinatrato ng maayos ng mga babae doon at walang pakialam sa kaniya ang mga lalaki. Habang ang Archduke naman ay may sariling mundo at di man lamang siya tapunan ng tingin. Para namang hindi pa sila minsan nagkasama. Sabagay, sobrang ikli lang ng panahon at sino ba naman siya upang tapunan ng tingin.

It's lunch break, she's at the dining hall with a random girl from the normies. Iyon na ang palagi niya ginagawa, iniiwasan niya ang mga nobles at tahimik na humahalo sa mga mababang ranggo. Maayos na sana ang lahat, smooth na kumbaga. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ginugulo na naman siya nina Lezelley at Randella sa gitna ng paglantak niya sa pagkain.

"Hey, bitch. Why are you with her? Ikinahihiya mo ba kami?" Ani Randella at ibinagsak ang tray ng pagkain sa tabi ng babaeng kasama niya sa mesa.

Humalakhak pa si Lezelley at binangga iyong kawawang babae atsaka siya hinarap, "Wow, ikaw pa ang nahihiyang kasama kami. Mas kahiya-hiya ka. Pero mas nakakahiya naman 'tong kasama mo."

Nagbuntong hininga si Celestial. Hindi niya alam kung paano hihingi ng paumanhin sa babae dahil nadamay pa ito.

Ngunit ganoon na lamang siya nagulat sa tapang ng babaeng kasama niya sa table. Ang lakas ng loob nitong hinarap ang dalawang bully na nobles.

"Excuse me?" Maarteng sagot niyong babaeng, "One day, you are ask my autobiography."

"Ano?" Kunot noong tanong ni Randella, maging si Celestial ay nalito.

"You are ask my autobiography one time." Sagot pa ng babae.

Oh shit. Napayuko si Celestial, hindi dahil nahihiya siya sa babae kundi upang itago ang kaniyang ngiti. The girl is so cute, ang lakas ng loob nito ay hindi matatawaran.

"Oh my goodness, ang sakit mo sa bangs. Mabuti na lang at 'di dumudugo ilong mo Bitch dito." Ani Lezelley kay Celestial.

"Autobiography amp. Sana all interesado sa buhay mo."

"Ano'ng autobiography ba'ng sinasabi mo d'yan?"

Tumaas pa ang kilay niyong babae, "Duh? You're so bobo, my ghad! Autobiography, my signature? Duh, one day in our lives you will be ask my signature."

At hindi na nga napigilan ni Celestial ang mapahagikhik.

Iritadong napatayo si Randella, "Mygosh girl, mabuti na lang talaga at maganda ka ng konti. Grabe, sa mukha mo lang napunta ang kaunting biyaya."

"Duh, you are shut up."

"Tama na, 'di ko na kaya." Animo'y pikon na saad ni Lezelley at umalis sa table nila. Agad namang sumunod si Randella at naiwan si Celestial na tumatawa.

Lumingon iyong babae sa kaniya, nakataas pa ang kilay nito, "What is you are laughing all about?"

Mas lalo pang lumawak ng ngisi ni Celestial kakapigil ng tawa. Umiling-iling siya saka pilit na ngumiti, ngunit sa huli'y nanaig ang halakhak niya. Is this how being brave, courageous, or atleast having the strength to voice out your opinion against people higher than you? Then, she wants to be like this girl.

LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon