Habang nakaupo si Amarielle kasama ang kanyang pamilya sa hapag-kainan, nakaramdam siya ng matinding kaba. Ngayon, handa na siyang harapin sila, kahit alam niyang hindi magiging madali. Tahimik ang lahat habang kumakain, ngunit hindi na siya makapaghintay na sabihin ang nasa isip niya.
“Ama,” panimula niya, kahit kinakabahan siya pero gusto niya sabihin ang ninanais niya “Gusto kong mag-aral. I know I’ve been weak before, but I’m ready to prove myself now.”
Tumingin ang kanyang ama, ang hari, at huminto sa pagkain. Bahagyang tumawa si Lila sa tabi niya. “Study? Ano pang pag-aaralan mo, Amarielle?” tanong ni Lila, na may pailalim na ngiti. “You’re better off sticking to your shadows.”
Ngunit hindi natinag si Amarielle. “Hindi ko gustong manatiling mahina. Gusto kong matutunan ang lahat ng alam ninyo—lalo na ang tungkol sa politika at kasaysayan ng kaharian natin.”
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang, at ang hari ay nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga. "Amarielle, ang hirap kasi sa’yo, wala kang disiplina," sabi ng hari, malamig ang tono. “Hindi mo kayang sundan ang mga aralin. Ang pag-aaral sa’yo ay parang ibinabato ang tubig sa buhangin—sayang lang.”
Naramdaman ni Amarielle ang init sa kanyang mukha, ngunit pilit siyang nanatiling kalmado. "Ama, I’m asking for a chance. Just one chance."
Ngunit ngumiti ang hari nang mapakla. “Enough, Amarielle. Hindi para sa’yo ang mga bagay na ito. You’re not like your siblings. Kaya naman naisip naming iba ang magiging tungkulin mo dito.”
Tahimik na nagkatinginan ang kanyang mga kapatid, tila hindi rin alam ang ibig sabihin ng hari. “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ni Amarielle, hindi mapigilang magtaka.
“Bilang pinakabata at pinakamahina, ang tungkulin mo ay hindi upang maglingkod sa trono kundi upang manatiling nasa likod—sa mga anino. Kaya naman itinago namin ang tungkol sa iyong kapanganakan, at pati na rin ang iyong koneksyon sa mga anino. Hindi ka dapat malaman ng ibang mga kaharian.”
Nanlaki ang mga mata ni Amarielle. “What…?”
Tumikhim ang kanyang ina, bahagyang naiilang ngunit desidido. “You are not meant to stand with us, Amarielle. The truth is, you are to be hidden—isang lihim na prinsesa na walang karapatang lumitaw. The shadows are where you belong.”
Natahimik si Amarielle, hindi makapaniwala sa mga narinig. Habang pinagmamasdan niya ang mga mukha ng kanyang pamilya, napagtanto niyang totoo ang sinabi ng kanyang ama—hindi siya itinuring na parte ng kanilang mundo. Sa kabila ng dugo at apelyidong dala niya, nakatakda siyang manatili sa dilim, itinatago ang kanyang kapangyarihan upang hindi siya makita ng iba.
Tahimik na tumayo si Amarielle mula sa lamesa, at sa bawat hakbang papalayo, naramdaman niya ang isang kakaibang lakas na lumalawak sa kanyang kalooban. Kung sa mga anino siya itinadhana, gagamitin niya ang mga anino para sa sarili niyang layunin.
Sa isip niya, narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa salamin: “Ang mga anino ang magiging sandata mo.”
Habang naglalakad palayo, alam niyang hindi na niya kailangan ang pahintulot ng kanyang pamilya. Nasa kanya ang kapangyarihan ng mga anino—at balang araw, siya ang magpapakita sa kanila ng tunay na lakas ng isang prinsesa sa likod ng kadiliman masakit man pero kailangan niyang tanggapin na hindi siya kabilang sa mundong kanyang ginagalawan

YOU ARE READING
PRINCESS OF SHADOWS
FantasyPrincess Amarielle, known as the Princess of Shadows, is a haunting figure whose presence is both graceful and chilling. Her long, chestnut-brown hair cascades down her back like a river of darkness, complementing her piercing eyes that seem to read...