---Nagmamadali akong lumabas ng bahay, puno ng excitement dahil magkikita na ulit kami nila Hel! Siguro nagtataka kayo, kung anong nangyari, pagkatapos ng date ko kay Max, well, we exchange numbers and sinabi ko na rin kay ate kung anong nangyari sa date na 'yon, so, for a meantime, titigil muna daw siya maghanap ng mga dates ko. Sa wakas! Pero, it's been 2 days since nagdate kami ni Max, and wala pa siyang text sa'kin. Ayoko rin naman mauna 'no, baka narealize niya na hindi niya pala ako type or baka nagpepretend lang siya noong araw na 'yon. Hindi ko na lang sinabi kay ate ang tungkol dito at panigurado, agad-agad, maghahanap 'yon ng bago. Basta, I'm just enjoying my peace.
Pagdating ko sa star bar, agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko. "Ely! Ang tagal mo!" sigaw ni Giel, na nakaupo na sa isang mesa kasama sina Hel, Ma, AC, Mimi at Chris.
"I'm sorry guys! Umuwi pa kasi ako ng bahay para magpalit eh," sagot ko saka umupo na.
"Anong balita? Kumusta ang bakasyon?," tanong ni Ma.
"Okay lang naman, babad sa photoshoots," sagot ko, sabay ngiti. "Ikaw, Giel?"
"Okay lang din. Nag-aadvance reading na nga ako eh, para ready na sa first year ng college," sagot ni Giel.
"Same here! Ang hirap matuto ng mga bagong languages," sabi ni Hel, habang nakahawak pa ito sa ulo niya.
"But at least, we're here, bonding. Just like the old times," sabi ko ng nakangiti.
Habang nag-uusap kami, nag-order na si Ma ng mga drinks namin at 'di rin naman nagtagal, nagsidatingan na ang mga ito.
Isang oras na ang nakalipas at puno kami ng tawanan at kwentuhan. Nawala lahat ng pagod ko dahil sa kanila. Sana masundan ulit 'to, soon.
Nang matapos naming maubos ang nga drinks, nagdecide kaming magpicture. "Sige, pose tayo!" sigaw ni Chris.
Mabilis kaming nag-ayos, at kumilos ang lahat para makuha ang perfect shot.
Matapos ang mga pictures, nag-order na rin kami ng mga pagkain. "Ano bang gusto niyo?," tanong ni AC.
"Pizza! Tsaka fries!" sagot ni Hel. "Sige na, please!"
"Pizza it is!," sagot ni Chris, sabay tawag sa waiter.
Habang hinihintay namin ang pagkain, chineck ko muna ang phone ko, baka may important text galing sa work. Nakita kong may ilang mga notification mula sa mga endorsers and isang message mula kay Max. "Hey, are you free tonight?".
Hindi na 'ko nakareply dahil nag-umpisa nang ilapag sa harapan namin ang mga pagkain.
"Wow, ang dami!" sabi ni Mimi.
"Sino nag-order ng chicken and pasta? I thought pizza and fries lang?," tanong ko.
"I ordered chicken, nagcrave ako bigla eh," sabi ni Giel.
"Ako nag-order no'ng pasta," sabi ni Ma.
Habang kumakain kami, nagsimula na naman kaming magkuwentuhan. "Alam niyo guys, may seminar akong pupuntahan next week. Mom said makakatulong daw 'yon sa akin, medical typa thing 'yong seminar eh," sabi ni Giel.
"Talaga? Saan?," tanong ni Hel.
"Sa Cebu," sagot ni Giel habang nakangiti.
"Really? May photoshoot kami doon next month," sabi ko.
"Sayang, 2 days lang ako doon eh," sabi naman ni Giel.
Pagkatapos ng ilang oras ng tawanan at kwentuhan, nagsiuwian na kaming lahat. Nagpaiwan lang ako doon dahil bumili lang ako ng cotton pads at wipes sa tabing mall malapit sa bar.
YOU ARE READING
Whispers of the Heart (Seven Series #2)
RomanceThis is the second book from seven series, the story of Enily Rehs and Maximus. Ely is a model who is determined by what she wants in life, while Max is a musician who is also determined by what he wants in life. How will their love story evolve if...