---Napadilat ako ng mata nang maramdaman kong tumama sa'kin ang sikat ng araw, maaga ako ngayon dahil may photoshoot ako sa isang new lipstick brand. Pumasok na agad ako sa cr at nagmadaling maligo at maghanda.
Excited na ako, first cosmetic photoshoot ko kasi 'to, usually puro damit or mga perfumes ang minomodel ko. But now, this is it. I always love to wear make up kaya, having a project about cosmetics, is a huge achievement to me.
Matapos ang ilang minutong paghahanda, I just wear something cute and stylish—a floral blouse and skinny jeans na perfect for my body. And I decided na ilugay na lang ang buhok ko, since aayusan naman ako sa venue so, I just keep everything simple.
Pagdating ko sa studio, masaya akong sinalubong ng mga ka-team ko. "Ely! Ang ganda mo talaga!" bati ni Margo, make-up artist ko.
"Umagang-umaga, binobola mo na naman ako but thank you," sagot ko saka tumawa nang konti.
"Namiss kita! Ilang weeks din tayo 'di nagkita," sabi nito saka ako niyakap.
"True. So, what should we wear today?" tanong ko.
Ngumiti siya at nilabas na lahat ng gagamitin, "Ako nang bahala," sabi na lang nito.
Pagkatapos niya akong ayusan, pumunta na kami sa set at ready na sa photoshoot na mangyayari. Sinalubong naman kami ng photographer at binati. "Okay, Ely! Ready na ba tayo? I want to see your beauty in those shots," sabi niya habang inaayos ang kanyang camera.
"Ready! What pose do you want me to try?" tanong ko, determinado sa pagbigay ng magagandang kuha.
"Simulan natin sa pag-introduce ng product, classic pose tayo," sabi niya.
Sumunod naman ako sa sinabi niya, hinawakan ko ang lipstick saka nagpose na sa harap ng camera. Habang tumatagal, mas naging madali na ang pagkuha ng mga litrato. Iba-iba ang mga anggulo at pose na sinubukan namin—may mga makulay na lipstick na nakalatag sa table, at ang ngiti ko ay parang sumasalamin sa mga produktong nasa harapan ko.
"Ganda! Next, subukan nating ipakita ang 'mysterious' vibe," sabi ng photographer.
Sakto sa pose na iyon, nag-isip ako ng mga bagay na nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Habang tinatapos ang photoshoot, tinanong ko ang team kung kailan magiging available ang mga picture. "Sana mag-open ito sa iba't ibang opportunities," sabi ko.
Nang matapos ang photoshoot, nagpasalamat ako sa lahat, at nag-ayos na ako para umuwi. Habang naglalakad ako sa parking lot, nakareceive ako ng text mula kay Max.
Max: Hey! Excited to see you later. Dinner tayo malapit lang sa star bar, okay?
Nakangiti akong nagreply.
Ely: Okay! 7 PM?Max: Yeah, see you.
Pagdating ng gabi, nagdamit ako ng isang elegant dress—black na fit and flare na tumutugma sa aking katawan. Nag-apply ako ng lipstick at nag-ayos ng aking buhok. "Kailangan ko maging best version of myself," sabi ko sa salamin, sinigurado na handa na ako.
Pagkatapos kong magprepare, dumiretso na rin agad ako sa restaurant na sinabi sa'kin ni Max. The restaurant is cozy, punong-puno siya ng magandang ambiance—may mga unique na lights, mga flowers sa bawat mesa, at amoy na amoy ko na rin ang masasarap na aroma ng pagkain. Sinalubong ako ni Max sa loob ng restaurant, nakasuot lang siya ng simpleng polo at jeans.
"Ely! Ang ganda mo!" sabi niya, puno ng admiration sa mata niya.
"Salamat! Ikaw rin. You're handsome," sagot ko.
Umupo na kami pagkatapos ng batian. "Okay, ano ang gusto mong kainin?" tanong niya habang binubuksan ang menu.
"Hmm, I wanna try the seafood pasta," sabi ko. "Ikaw?,"
YOU ARE READING
Whispers of the Heart (Seven Series #2)
RomanceThis is the second book from seven series, the story of Enily Rehs and Maximus. Ely is a model who is determined by what she wants in life, while Max is a musician who is also determined by what he wants in life. How will their love story evolve if...