---"Ely, kailangan mo ring lumabas at mag-enjoy minsan!," halos araw-araw na sermon ni Ate Jo sa akin.
Lagi niyang sinasabi 'yan tuwing umuuwi ako nang pagod galing sa modeling gigs o sa practice ng iba't ibang runway walk at photoshoot poses. Hindi ko maiwasang mapangiti. Parang nakasanayan na niya akong i-push na mag-relax kahit isang gabi lang, at ang paraan niya? Mga blind dates na siya mismo ang naghahanap para sa'kin.
Oo, pinilit niya akong sumubok ng iba't ibang mga dates, at sa totoo lang, hindi ko alam kung may napala ba ako. Halos lahat ng nakikilala ko, oo, may itsura naman, may trabaho o may pangarap, pero wala talaga eh. Hindi ako naaakit, o baka bitter lang talaga 'ko sa love. I don't know, siguro, mataas lang ang standards ko, pero hindi ko rin maitanggi na may hinahanap ako na higit pa sa mga normal na nakikilala ko sa mga set-up ni Ate Jo. I want someone different.
Katulad ngayon, I'm wearing a simple white mini dress and heels habang naghihintay sa café. Galing ako sa isang photoshoot para sa bagong summer collection ng isang local brand. Sabi ni Ate, gwapo raw ang makikilala ko, may kaya, at may pagka-adventurous pa. Ilang beses ko na bang narinig ang description na 'yon? Medyo sawa na nga ako eh.
Mga ilang minuto pa 'kong naghihintay nang dumating na rin sa wakas ang date ko. Formal dark suit ang suot nito, at kahit may itsura nga, ang dating ay masyadong seryoso para sa isang casual date.
"Hi, I'm Roy," pagpapakilala niya, na may kasamang ngiti.
Ngumiti rin naman ako nang tipid saka nakipaghandshake. "Ely."
Umupo siya sa harap ko, at agad kaming nag-usap tungkol sa trabaho niya. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento ng mga kumpanya at investments niya, pero habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang maisip na hindi ko siya type at gusto ko nang umuwi.
"...then I decided to invest more in tech companies, kasi 'yon talaga ang future, 'di ba?" tuloy niya habang halatang mayabang ang ngiti sa kanyang mukha.
Tumango ako, nagbigay ng ilang comments, pero sa totoo lang, wala akong pakialam sa mga investments niya. Tumagal pa kami nang ilang oras sa ganitong pag-uusap hanggang sa natapos ang date na wala akong nakuha kundi pagod sa pakikinig.
Hindi ko na nabilang kung ilang beses na akong nakipag-date sa iba't ibang klase ng lalaki. May nagkwento ng mga car collection niya, may isa namang about sa mga travel experiences niya abroad, at may iba ring pilit na nagpapatawa kahit hindi naman nakakatawa. Hanggang sa nauwi na lang ang lahat ng dates ko sa isang formal goodbye's and thank you's.
Pagkauwi ko, tahimik akong pumasok ng bahay at agad akong sinalubong ni Ate Jo. Nag-aabang siya sa sofa, may hawak na kape.
"Oh, kumusta? Nag-enjoy ka ba?," tanong niya agad, may kislap sa mga mata.
Nag-exhale ako nang malalim. "Ate, seryoso? Sa tingin mo, ma-eenjoy ko 'yong date kung puro trabaho lang ang pinag-usapan?,"
Napasimangot siya. "Ay nako, Ely, give them a chance. Baka naman hindi mo lang sinusubukang makilala talaga sila,"
Umiling ako. "Ate, sinubukan ko na. Pero paulit-ulit na lang. Para akong nakikinig ng conference tungkol sa stocks, investments, o mga luxury cars."
Tumawa siya nang mahina. "Fine, fine. Pero, sa susunod, promise, may surprise ako na kakaiba. Hindi siya businessman. Hindi rin corporate guy."
Napatigil ako. "Sino naman?"
"Ibang klase lang siya, basta," pag-iwas niya, at tumayo. "Mag-enjoy ka lang, Ely. Hayaan mo na akong maghanap para sa'yo."
__________________________________
Makalipas ang ilang linggo, muli akong nakatanggap ng text mula kay Ate Jo. May set-up na naman daw siya, at this time, may pagka-adventurous daw ang date ko. Sa totoo lang, hindi na ako masyadong nag-eexpect. Parang normal na sa akin ang ma-disappoint sa mga set-up niya. Pinagbibigyan ko lang talaga siya kasi baka magtampo sa'kin. Pero sa dulo, nagdesisyon akong pumunta pa rin-dahil alam ko, hindi titigil si ate sa paghahanap ng mga dates ko.
Dumating ako sa isang rooftop bar, isa sa mga bago at sikat na lugar sa lungsod namin. Maganda ang ambiance, maliwanag ang paligid, at may view ng city skyline. Tamang-tama ang lighting, at medyo cozy rin ang atmosphere. Sa unang tingin, mukhang okay naman ang lugar, pero syempre, hindi lang naman ambiance ang hinahanap ko.
Ilang minuto lang akong naghintay nang biglang may lumapit na lalaki sa'kin. Matangkad siya, naka-dark denim jacket, may pagka-messy ang buhok pero parang natural lang 'yon sa kanya. Hindi siya mukhang corporate guy gaya ng mga dati kong nakadate. Actually, may pagka-artsy ang vibes niya-parang hindi pormal pero may dating.
"Ely?" tanong niya, may kasamang ngiti.
"Yes, and you must be..."
"Maximus, but you can just call me Max," pakilala niya, sabay ngiti at nakipaghandshake na sa'kin.
Nakakatawa ang reaksyon ko, usually, wala akong nafi-feel kahit ano sa unang kita pa lang, pero this time, parang may kakaibang spark. Ewan ko ba, pero ibang klaseng kuryente ang dumaloy nang lumapat ang mga kamay namin sa isa't-isa.
"Uhm, so... Max, what do you do in life?" casual kong tanong habang nakita siyang papaupo na.
Ngumiti siya at bahagyang umiling. "Actually, nasa entertainment industry ako. Pero medyo low-key lang, hindi ako masyadong public."
Medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata. "Wow, showbiz, ha? Hindi mo ba pwedeng ipaliwanag kung anong specific na ginagawa mo?"
Ngumiti siya, parang may ibig sabihin ang simpleng ngiting 'yon. "Well, part ako ng isang grupo na may mga performances, at hindi ko naman na siguro kailangang i-broadcast kung saan kami nagpe-perform, right?"
Mukhang ayaw niyang maging open tungkol sa trabaho niya, pero naintriga talaga 'ko. Iba siya-attracted ako sa kanyang sense of mystery. Kakaiba ang appeal niya, walang halong yabang, walang intensyon na magpasikat, at may sariling dating. Maybe he's the guy I'm looking for?
Habang tumatagal ang gabi, hindi ko napigilang mag-enjoy sa mga kwento at tawa namin. Hindi ko rin namalayan na halos tatlong oras na pala kaming nag-uusap. Hindi katulad ng ibang date ko, na iniisip ko nang matapos agad, kay Max, parang gusto ko pang magtagal.
Nang papauwi na 'ko, nag-offer siyang ihatid ako. "Sigurado ka?," tanong ko, medyo nag-aalangan.
Ngumiti siya. "Of course. Para hindi mag-alala 'yong Ate mo na masyadong concerned sa mga blind dates mo."
Tumawa ako. "Alam mo rin pala 'yon?"
"Siya kaya ang tumawag at tinanong kung available ako," pagbibiro niya, sabay wink.
Sa dulo ng gabi, mas lalo akong napaisip. Siguro nga, ito ang hinahanap ko-'yong hindi pilit, hindi para magpasikat, kundi isang normal na date lang na may halong mystery.
---
YOU ARE READING
Whispers of the Heart (Seven Series #2)
RomansaThis is the second book from seven series, the story of Enily Rehs and Maximus. Ely is a model who is determined by what she wants in life, while Max is a musician who is also determined by what he wants in life. How will their love story evolve if...