Prologue

1 0 0
                                    


---

Nasa harapan ako ng salamin, pinaplantsa ang buhok ko habang iniisip kung paano ang magiging ayos ko ngayong gabi. Dinner lang naman ito, pero hindi ko alam kung bakit parang may kaunting kaba akong nararamdaman. Kasama ko ang mga barkada at, well, si JK at mga kaibigan daw nito. Gusto ko lang na mukhang maayos ako kahit papano. Lalo na't baka makita ko siya roon.

"Girl, bilisan mo riyan. Baka ma-late na tayo," tawag ni Mimi mula sa labas ng kwarto. Nagmamadali na rin sila sa pag-aayos, at sa totoo lang, gusto ko nang matapos ang lahat ng preparation para makaalis na kami.

"Relax lang, Mi, 'di naman tayo late niyan and hindi naman tayo expected do'n, si Hel lang," sagot ko.

Nang matapos na ako, dumiretso na kami sa restaurant na sinabi sa'min ni Hel para do'n daw magdinner. Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa ang kamay ko habang inaayos ang dress na suot ko. Iniisip ko kasi na makikita ko siya roon, dapat hindi ako mag-assume since, hindi ko naman siya nakita kanina sa bar. Walang dahilan para kabahan, wala namang espesyal sa araw na 'to para sa'kin eh, this is a special day for Hel and JK, that's it.

Pagdating namin sa restaurant, una kong napansin ang mga ilaw na medyo dim, nagbibigay ng maaliwalas na ambiance ng restaurant. Maganda rin ang setting, at nang marating namin ang reserved table, nakita ko sina JK, nakangiti sa amin habang binabati kaming lahat nang masigla.

Pagkatapos magkumustahan ang lahat, napatingin ako sa isang pamilyar na mukha sa kabilang dulo ng mesa.

Si Max.

Napako ang tingin ko sa kanya nang ilang segundo. Sa dami ng pwede kong maramdaman, nagflashback lahat ng alaala ng nakaraan. Mga alaalang, masaya at puno ng pagmamahalan. Natapos lang sa isang desisyon na pati kami hindi namin pinagsisihan. Hindi ko alam na magiging ganito pala kahirap kapag nagkasalubong ulit kami.

Napansin kong nag-aalangan din siyang tumingin sa akin. Tumango siya bilang pagbati, at kahit gusto kong umiwas, napilit kong ngumiti pabalik.

Nagpatuloy ang dinner, pero hindi ko maiwasang maramdaman 'yong bigat sa dibdib. Hindi ko pa kayang makita o makasabay siya sa iisang lugar. Parang may parte sa akin na gustong magsalita, pero sa kabilang banda, iniisip ko rin na baka mas mabuti nang manahimik na lang. Buti na lang at madaldal 'tong si Jeffrey at Lenard kaya, kinakausap ko na lang sila para mawala ang tensiyon sa paligid.

Maya-maya pa, nakita ko siyang tumayo, binulungan lang niya si CJ, saka umalis sa table at dumiretso sa CR. Salamat at umalis siya, dahil sobrang awkward talaga. Gusto ko nang matapos 'tong dinner na 'to para makaalis na 'ko rito.

Nang matapos na ang dinner, naghiwa-hiwalay na kami. Hindi na rin bumalik si Max galing cr, baka dumiretso na itong lumabas. Okay na rin 'yon, para hindi kami awkward parehas. Kasabay ko ang mga barkada ko pabalik sa Airbnb. Si Hel naman ay nagpaiwan lang, dahil mag-uusap lang daw sila ni JK. Alam kong hindi 'yan uuwi nang virgin pa.

Habang papunta kami sa airbnb namin, nagpapanggap na lang akong nakikinig sa mga kwento nila tungkol sa mga nangyari ngayong gabi, pero ang totoo, nasa isip ko pa rin si Max at ang 'di inaasahang pagkikita namin.

Pagdating namin sa Airbnb, nanood lang kami sa sala ng horror movie habang nagpupustahan kung uuwi ba si Hel ng virgin o hindi. Loko talaga 'tong mga kaibigan ko eh. Nang unti-unting nagsipasukan na ang mga kaibigan ko sa kwarto, kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko. Since, wala pa si Hel, ako lang mag-isa ngayon sa kwarto.

Makalipas ng ilang oras, tahimik na ang paligid at halatang mga tulog na ang mga tao pero hindi pa rin ako mapakali. Lumabas na lang ako ng airbnb at naghanap ng pwedeng maupuan. May maliit lang na table at chairs sa tapat ng airbnb namin kaya naman doon na lang ako naupo.

Nakatingin ako sa malayo nang biglang may narinig akong mga yabag.

Paglingon ko, nakita ko si Max, papalapit sa'kin. Bigla akong napaayos ng upo at hindi makatingin sa kanya.

"Ely," bati niya, mababa ang boses.

"Max," sagot ko, at sa halip na tumingin ako sa kanya, ibinalik ko ang tingin ko sa paligid.

Umupo siya sa tabi ko, parehong nakatingin sa dilim ng gabi, tila walang lakas ng loob para magsalita agad. Ilang minuto kaming tahimik, hanggang sa hindi ko na kaya at nagtanong ako.

"How are you?," tanong ko, iniisip kung sapat ba ang tanong na iyon para simulan ang kahit anong pag-uusap.

"Okay naman," sagot niya, may ngiting pilit sa kanyang labi. "Ikaw, Ely? Kumusta?"

Hindi ko alam kung paano sumagot, pero nasabi ko pa rin, "Okay rin naman,".

Tumango siya, na parang iniintindi ang mga sinabi ko kahit simple lang ang mga iyon. At sa bawat segundo ng katahimikan, pakiramdam ko may mga salita akong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Magsasalita na sana 'ko, nang unahan niya ako.

"Na-miss kita,".



**Author's Note**:
This is my second book from seven series. This is the story of Ely and Maximus. If you haven't read my first book, "Heavenly Voices", you can check it out. I hope you continue supporting my writing. Happy reading pandas!

**DISCLAIMER**:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

ALL RIGHTS RESERVED 2024

Whispers of the Heart (Seven Series #2)Where stories live. Discover now