ALIYAH SYLVESTIA POV”Gabi naakong nakauwi, sobrang gabi na talaga dahil sa trabaho ko, nag aaral ako sa umaga at nag ta-trabaho sa gabi, sobrang sakit na nang katawan ko gusto ko nalang sumunod saaking inang pumanaw
Speaking of ina, I have a mother but she died in the car accident, adopted mother ko lang sya pero tinurin nya akong tunay na anak nya, kami lamang dalawa dahil iniwan kami ng asawa nya dahil sa ayaw nyang iuwi ako sa bahay nila, ayaw sakin ng asawa nya at ako ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay
Ang malas ko.
I never seen my real mother or my family, iniwan nila ako sa gitna ng kakahuyan, ikwenento ng aking ina na kung papano nya ako nakita
Grabe, sa gitna talaga ng gubat.
Speaking of gubat, dadaan pa talaga ako dito sa kagubatan para makauwi sabahay, wala ng sasakyan sa gitna ng gabi
Malapit ng 12 at kaarawan kona, 18th birthday
Habang naglalakad ako ay may nadaanan muna akong mga tambay na mga lasenggo
“hi miss beautiful” sabi sakin ng lalaking lasing at malaki ang tyan
“Miss, inom ka muna” yung kasama naman nya
“hindi napo, okay lang ako” pagtanggi ko
“ayaw mo?” medjo napikon yata sa tunog ng pagkakasabi ko
“diba halata?” pamimilosopo ko
“aba!” may kinuha syang kutsilyo at napaatras ako
Kutsilyo! Isang matulis na kutsilyo
“alam mo sobrang ganda mo sana pero ang ugali mo ang panget!” saad nito at humakbang papalapit sakin
Shet! Sana di ko nalang sila pinatulan
Tatakbo baako? Syempre naman aliyah! Tatakbo ka talaga!
Hindi kona inantay na makalapit sila sakin at tumakbo naako, bahala na ayuko kayang mamatay sa bisig nila, yak!
Napadpad ako sa kagubatan, ang dilim ng paligid! (Syempre gabi nga diba?)
“miss ganda!! Labas kana!” natatawang sabi ng lalake pero tunog nun ay ang pagka manyak
Nagtago ako sa isang sulok, wag sana nila akong makita
Habang papaatras ako ay biglang parang may humila saakin papasok sa isang kweba?
Hala? Teka? Wala namang kweba didto ah?
Sobrang dilim, wala akong makita! Wala!
Takot ako sa dilim dahil palagi akong may napapanaginipan at madilim iyon
Sumisikip ang dibdib ko, sobrang sikip! Hindi ako makahinga!
Dahandahan akong natumba.
>>>
Nagising ako sa isang kagubatan
Dahandahan akong tumayo, hindi pamilyar ang lugar nato at isapa umaga na!
May klase paako!
Exam namin ngayon!
“happy birthday self!” saad ko saaking sarili
Pero exam namin ngayon, kailangan kong umalis at makauwi na
Pero teka? Saan ako? Nasaan naako ngayon?
Sobrang ganda nang paligid, madaming mga ibon na nagsisilipad at may ilog.
Saan ako napadpad?
Saang lugar bato?
BINABASA MO ANG
JADE ACADEMY: ENCHANTA
FantasyIsang babaeng simple lang, normal na buhay, nag iisa lamang sya simula ng mamatay ang kanyang adopted mother. Wala syang alam patungkol sa tunay nyang pamilya, Nag ta-trabaho sya para sa pag-aaral nya at para sa ikinabubuhay nya. Papano kung aksiden...