CHAPTER 2: ENCHANTA

33 6 0
                                    


ALIYAH POV”


Nagising ako dahil sa ingay ng nagsasalita

“hindi sya taga rito

“halata naman”

“anong gagawin natin sakanya?”

“papano sya nakapunta dito?”

“may nagbukas ng portal?”

“pero matagal naman yung hindi nabubuksan simula ng mawala ang reyna, nasakanya ang susi at walang nakakaalam kung nasaan yun”

“pero papano sya nakapunta dito?”

“isa syang mortal na tao”

“mapanganib sa lugar nato lalo na at isa lang syang mortal na tao”

Mortal na tao? What does mean?

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko kung sino ang nagsasalita

“AHHHH!!!” sigaw ko

Isang uso ang nasa harap ko at ang matandang babae

“AHHHH!!!! HALIMAW!!!” sigaw ko

“shhh!! Hindi sya halimaw binibini” saad ng matanda

“kakainin tayo nyan!!” sigaw ko

“hindi ako kumakain nang tao” saad ng uso-

Wait what? Nag sasalita ang uso?!!!

“AHHH!! NAGSASALITA-” naputol nang magsalita ang matanda

“SHHH! TAHIMIK” nagalit yata ang matanda

Napatahimik ako at kinakabahan pading nakatingin sa dalawa

“wag kang mag aalala binibini, hindi ko gustong kainin ang tao” sabi nito

Totoo nga! Nagsasalita ang uso!

“saan ka galing? Tama kami diba? Mortal ka?” tanong ng matanda

“anong ibig nyong sabihin!” takang tanong ko “nasaan ba ako?” dagdag ko

“nasa ENCHANTA ka, binibini.” ang uso ang sumagot

“enchanta? Saan yun?” tanong ko

“dito! Dito sa mundo ng mga diwata” sabi ng matanda

“ANO??? DIWATA?!” pasigaw na tanong ko

“tama kami, mortal ka, papano kaba napadpad sa mundo nato?” tanong ng uso

“kagabi, hinahabol ako ng mga manyak, nagpunta ako sa gubat dahil nagtago ako at bigla nalang parang may humila sakin at.... Nawalan naako nang malay, pag gising ko nandito naako sa lugar nato” mahabang paliwanag ko

“papanong napadpad ka sa mundo ng enchanta!”








Hindi ko agad na gets ang mga sinasabi nila, pero ilang oras din ay nag sink-in na saakin ang lahat, pinaliwanag nila saakin kung nasaan ako at anong lugar to

Ang lugar nato ay ang lugar ng mga diwata o mas kilala sa mundo namin na mga engkanto pero grabe naman kung engkanto ang itatawag diba

Ang tawag sa mundong ito ay mundo ng enchanta na kung saan ay ang lahat ng naninirahan dito ay punong puno nang kapangyarihan, lahat ng nasa paligid ay pinapalibutan ng kapangyarihan, at si lola emelia ay ang klase nang kapangyarihan na nakakapag bigay buhay maliban sa mga patay, hindi nya kayang magbigay buhay sa patay pero sa mga gamit, hayop at iba pa ay kayang kaya nya, yan ang klaseng kapangyarihan na meron sya.

JADE ACADEMY: ENCHANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon