ALIYAH POV”Nakaupo ako ngayon sa kama nang hospital ng academy, hindi makapaniwala sa nangyari kanina, grabe ang nangyari para naakong mahihimatay at gusto ko nalang na maging butterfly para lipadlipad lang
Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina, grabe ang astig nun.
___
Tumayo ako at tiningnan ang batong tubig, nakalutang at tumigal nga, gulat na gulat ang lahat pati nadin ako nagulat, hininto ba ni sevi?
“Anong nangyayari?” unang beses kong marinig magsalita si sevi, ano? Bakit nyapa tinatanong?
“anong ibig mong sabihin sev?” tanong ni agatha
“hindi ba ikaw ang napatigil ng batong tubig?” tanong ni miss criss
Nakatulala akong nakatingin sa batong tubig, para itong ice at nakita ko ang reflection ko dito
Para akong may suot na pendant pero tiningnan ko wala naman, namamalik mata lang ba ako?
“hindi!” saad nito
“edi sino?” tanong ni sir zed
Napatingin ako sakanila, lahat din nag bubulungan nadin
“ako” si miss shin ang nagsalita
Sabi kona ngaba! Tutulungan ako ni miss shin, agad akong tumakbo palapit sakanya, gusto kong magsumbong sakanya na inaapi nila ako, para akong bata.
“wag kang mag aalala, nandito ako” sabi saakin ni miss shin
Para ko syang Ina, oo para nga.
Agad na tumakbo si agatha palapit saakin at niyakap ako
“ayos kalang ba?” tanong nito at ngumiti at tumango lamang ako
Para akong na trauma sa nangyari
“itigil ang pagsasanay, ako ang may gawa nyan kaya wag na kayong magtaka” saad ni miss shin at umalis na
Tiningnan ko si sir zed pero para syang naguguluhan, anong nangyayari?
THIRD PERSON POV”
Napaupo agad si miss shin sa kanyang upuan, naguguluhan ito at agad namang sumunod si zed sakanya
“totoo ba? Ikaw ang may gawa nun?” derechong tanong ni zed kay miss shin
“sa tingin mo ako?” tanong ni miss shin na may pag ka sarcastic ang boses
“wala naakong duda, sya ang heirein” sabi ni miss shin
“ibig sabihin-” natigilan si zed
Alam nila na si aliyah ang maygawa nun, ang nag control sa kapangyarihan ni sevi, lahat kayang gawin ng isang heirein kaya napakapanganib pag ito'y kinalaban.
Kayang kaya nyang utusan ang sarili mong kapangyarihan laban sayo kung hindi mopa ito lubusang kilala
Kaya noong panahong lumabas ang huking heirein ay walang naglalakas loob na lumaban o komontra dito, pero mabait naman ang huling heirein kaya naman walang problema
Pero bakit si aliyah ang heirein? Isa lang naman syang tao? Bakit? At papanong nangyari?
Sino nga ba talaga si aliyah at anong koneksyon nya sa huling heirein? Bakit katulad nya ito?
BINABASA MO ANG
JADE ACADEMY: ENCHANTA
FantasíaIsang babaeng simple lang, normal na buhay, nag iisa lamang sya simula ng mamatay ang kanyang adopted mother. Wala syang alam patungkol sa tunay nyang pamilya, Nag ta-trabaho sya para sa pag-aaral nya at para sa ikinabubuhay nya. Papano kung aksiden...