CHAPTER 6: WATER

49 3 1
                                    


ALIYAH POV”

Pumasok naako sa room namin, nakatingin silang lahat sakin

“anong meron sa mukha ko?” bulong ko kay agatha

“wala, ngayon kalang kase pumasok kaya ganun” natatawang sabi nya

“ahh ganun ba” umupo na kami sa upuan at hindi padin dumadating si sir zed, naghintay kami nang ilang minuto at wala pading dumadating na sir zed kaya naman ay naisipan namin ni agatha na kumain muna kaya agad akong sumama sakanya

Pumasok kami sa isang malaking room, at isa itong cafeteria? Ito ba ang cafeteria nila? Sobrang laki.

“dito kami kumakain, ito ay tinatawag sa mundo ng mga mortal na cafeteria o canteen” sabi ni agatha

“alam mo ang mundo ng mga mortal?” tanong nito

“oo, may ganun tayo dito na kung saan ay tinuturo nila ang buong kwento nang mga mortal, simula sa pagkain, gamit at mga salita at iba pa” paliwanag ni agatha at umupo kami “napaka ganda kaya dun, gumamit nang mahika si miss shin at pinakita nya saamin ang lahat, ang ganda pala sakanila may tinatawag silang cellphone” nakangiting sabi nya “ay bawal pala sabihin sa ganitong oras ang tungkol sa mga mortal” sabi nya

“bakit naman?” tanong ko

“bawal kang magsalita nang parang mortal pag wala pa sa oras at wala sa panahon, sa darating na sabado at linggo doon ay malaya kaming gumagamit ng mga salita nila, ang ganda kaya pakinggan pero meron padin akong hindi naiintidihan sa mga salita nila, madami pero ituturo din iyon sa darating na sabado at linggo” sabi nito

“ibig sabihin? Madami ka nang alam na salita nila? Marunong kanang magsalita?” tanong ko sakanya na nakangiti

“shhh, wag kang sumigaw, wag mong lakasan ang boses mo, mapapahamak tayo nyan eh” bumuntong hininga muna sya “oo marunong ako pero hindi padin lahat, ang hirap nang salitang English nila kaya” natawa ako sa sinabi nya

May subject pala sila dito na pinag aaralan ang mundo nang mga tao, ang astig

“kakain muna tayo” sabi ni agatha

Sumang ayon ako kase gutom na gutom din naman ako.

Sa gitna nang pagkain namin ay bigla nalang akong may naramdaman na tubig sa paa ko

Doon ko nakita na bumabaha na pala

“agatha! Bumabaha” sabi ko

“normal lang to” sabi nito at patuloy padin sa pagkain

“papanong normal? Hindi naman umuulan pero bumabaha?” tanong ko

“tingnan mo sya” may tinuro sya saakin na isang lalaki na medjo masama ang mukha nya, hindi ko sinasabi na pangit sya mukhang badmood kase sya gwapo naman sya

“sya ang may gawa” sabi nito “ sya si sevi scott, tubig ang kapangayarihan nya sa tuwing masama ang kanyang araw ay bumabaha o dinaman kaya umuulan, dala ng emosyon nya” sabi nito

May kasama syang isang lalaki din at mukhang nababad trip sya dito

“SEVIII!” sigaw ng kung sino

Para itong guro

“ITIGIL MOTOO!!” sigaw nito

Nakakarindi boses nya, sobra.

“TSK.” tanging narinig ko at tumayo yung sevi saka umalis, dahan dahang humupa ang baha ng makaalis sya

Pasaway din pala

“sya si miss criss, isa sya sa magiging guro natin, nakakatako sya at sya yung ina ni sevi, gwapo si sevi pero mas gusto ko si drake kesa sakanya, gusto ko kase yung katulad ni drake” sabi ni agatha

JADE ACADEMY: ENCHANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon