A week after our agreement, I searched about Ky Laurel on the internet.Bukod sa may-ari siya ng Medora, at may isa siyang babaeng kapatid, wala na akong nahanap na iba pang impormasyon sa kanya.
No social media accounts. But he has access to any kind of information of any kind of people. He's kind of like powerful dahil may mga tauhan siya na nauutusan to do some deeds. It's safe to say na marami siyang koneksiyon and somehow that's his power.
Madam Richy, his competitor in business, even respects him. It seemed like every ground he walks on, his feet are kissed by people.
Who is this man?
My phone rang and my thoughts of him were cut off. It was Wesley calling. Pinagisipan ko pa kung sasagutin ko ba, pero sa huli, hindi ko natiis.
"Yo." Sagot ko. Halos isang linggo rin mula ng mag-walk out siya. "Balita?"
"Trix. May practice tayo ngayon, diba? Ano 'yung sinasabi ni Edel na hindi ka pupunta?" Napahilot ako sa ulo ko bigla. "Nasaan ka na?"
Nilingon ko ang high bar kung nasaan kausap ng bartender si Sir Ky. Napahinto ako sandali sa pagma-mop ng sahig.
"Ah, k-kasi masama ang pakiramdam ko. Send na lang kayo ng video, pagaaralan ko na lang ang set natin."
"Are you okay? Puntahan ka namin dyan mamaya?" He sounded so worried at nagi-guilty ako sa pagsisinungaling.
"Hindi! Wag! Ano, ah...." Nilingon ko ulit ang bago kong boss at saka ako natigilan dahil nakatingin na siya sa akin. "Mahahawaan ko lang kayo. Wait lang ha. Text na lang, bye!" Mabilis kong pinatay ang phone ko.
I can feel him behind me already. "I want the floor to be spotless before seven. No phones during work hours."
"Noted, Sir Ky. Sorry, emergency lang 'yon."
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago siya umakyat sa second floor kung nasaan ang office niya. Napabuntong hininga ako.
"Ganyan talaga si Boss Ky sa mga baguhan. Strikto. Pero masasanay ka rin." Nilingon ko si Eugene, ang isa bartender dito sa Medora. Siya rin ang madalas kong kausap dito mula nang dito ako ipatapon ni Sir Ky para alilain.
He has accepted the fact that he could no longer bring his precious watch back, kaya naman kailangan kong pagbayaran iyon. He had me under his employ. Full time all-around staff ako rito ng dalawang taon.
Hindi na ako makatanggi dahil alam na niya ang mga impormasyont ikakamatay ko kapag nalaman ng iba.
I can't say that I hate this set up, but this is what I could do now. Mukha namang mapagkakatiwalaan si Sir Ky dahil mukhang maayos naman siyang kausap.
Sabi sa akin ni Eugene, he's fully committed to his bar. Kaya kahit na sobrang sikat at kilala na ito, hindi pa rin siya nagba-branch out dahil ayaw nitong mawala ang spirit ng Medora.
This is his sacred place, as Eugene has described.
And to think that he lets me walk around his bar, I think he's serious enough to keep his word and our agreement.
BINABASA MO ANG
Tricky Trixie (Kalandian Chronicles #4)
Fiction généraleEverything can be fixed with money... and a little bit of trickery. Iyan ang paniniwala ni Trixie Sandoval, a college drop-out who entered the hustling world when life happened to her. Dahil maagang namulat sa mapait na realidad, pinasok niya ang k...