"Nag-iba ka yata ng oras ng trabaho?" Tanong ni Mama paglabas ko ng kwarto at napansin niya akong nagaasikaso paalis. "Iba na naman ang trabaho mo?"I eyed two bottles on the table. "Kanina pa kayo umiinom, Ma. Kumain ka na ba?"
Pansin kong namumugto ang mata niya. I know she had been crying. Tomorrow is my father's death anniversary. Of course she'd be like this like any other year since he died.
Parang ayokong pumasok ngayon sa trabaho kung ganito ang sitwasyon niya ngayon. "Ma, matulog ka na kaya?" Kinuha ko ang mga bote sa mesa at hindi na siya kumontra. Dahil ubos na niya. "May trabaho ako ngayon. Uuwi ako ng late, mga bandang alas nuebe na. Will you be okay here?"
Hinintay ko siyang sumagot. "Oo, ako na ang bahala rito." Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.
"Ma, pwede bang ipangako mo sa akin na hindi ka na iinom mamaya pagkaalis ko?"
Ang tagal na naman niyang sumagot. I stared at her worn-out face. Bakas sa mukha niya na hindi na siya nakakatulog ng maayos at parang magdamagang iyak ang ginawa niya.
I can't blame her. If grief had a face, it would be like my mother. Grief is something traitorous and you really don't know how it hits you. Or how long.
"Hindi na. Wala naman na akong pambili." She forced up a smile at me. "Masyado mo na naman akong pinapansin, anak. Behave ako ngayon."
Nilapitan ko siya lalo. "Sure?"
"Oo, promise ko sa'yo. Nagpapa antok lang ako."
Bago ako sumakay ng bus, dinaanan ko lahat ng tindahan malapit sa apartment namin at nakiusap na 'wag pagbentahan si Mama ng kahit anong alak kahit magpumilit pa siya.
Hindi na rin naman lingid sa kaalaman nila ang bisyo ng nanay ko at ang istorya namin. We just live in a small street.
Traffic sa byahe papuntang Medora dahil rush hour na. Maaga kasi akong papasok para mailatag ko na kay Boss Ky ang mga naisip kong concepts sa dingding ng bar niya.
I was two hours early at hindi ko naisip na sarado pa pala ang bar sa ganitong oras. Hindi ko rin pala na-inform si Boss na balak kong maaga pumasok ngayon.
Sighing in frustration, I typed a message for him. Kagabi nag-text siya sa akin at ipinaalala niya ang tungkol sa design concepts na ipapakita ko. Ngayon pa lang ako magre-reply.
Boss, what time bukas ng Medora?
Napaaga ako ng dating.Naghintay ako ng ilang minuto ng reply niya pero wala. Napaupo ako sa bandang parking lot at naghintay.
Then there was a ring from my phone. Sinagot ko kaagad. "You should have told me you'll be early." Boses ni boss Ky ang narinig ko bago pa man ako makabati.
Naiinis pa rin ako sa nangyari kagabi. "Sorry, boss. Nawala sa isip ko. Pero dala ko na 'yung mga concepts. Pipili ka na lang."
He just gave a grunt. "I'll be there in fifteen minutes. Can you wait?" Nakarinig ako ng makina ng sasakyan sa background niya. "Trixie?"
"Yes, boss. Sige. Walang problema. Ingat." Naputol na ang linya bago ko pa pagsisihan ang huling sinabi ko. Galit ako dapat sa kanya diba? Bakit may pagsabi ng ingat?
BINABASA MO ANG
Tricky Trixie (Kalandian Chronicles #4)
Narrativa generaleEverything can be fixed with money... and a little bit of trickery. Iyan ang paniniwala ni Trixie Sandoval, a college drop-out who entered the hustling world when life happened to her. Dahil maagang namulat sa mapait na realidad, pinasok niya ang k...