[CHAPTER 3]
Allen Gray's POV
Pagkatapos kong ihatid si Zyn ay nagpasya na akong umuwi. Ano pa ba gagawin ko dito? At saka, uulan oh!
MANSION NG MGA WALKER >>>>>
Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Di ko mapigilan na isipin ang nangyari kanina nang paulit-ulit. Ang Saya! Grabeh parang lumilipad ako ngayon. Ano pa kaya kung kami na? Siguro nasa outer space na ako?
Kryzelle Jae's POV
4:30 pa ang uwian. 5:30 pm na at gumagabi na. At hanggang ngayon nandito parin ako sa school. Pagkatapos kung libutin ang buong academy agad-agad akong bumalik sa waiting shed nababakasakali na nandito naghihintay sa akin pero wala parin sya. Malakas na ulan at hangin ang humahampas sa katawan ko ngayon. Nanginginig na rin ako sa sobrang ginaw at basa na rin ako. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ano mang oras matutumba na ako. Sana umuwi nalang ako nang naramdaman ko na hindi na sya dadating. Pero hindi eh, mahal ko sya at hihintayin ko sya. May bigla akong nakitang liwanag... Heaven, ito na ba yun??
"Zelle??!! Ikaw ba yan??!!"- there was a guy na papunta sa akin. At naka-flashlight sya. Ayun pala ang liwanag kanina?
"Zelle?! Ikaw nga!! Bakit ka nandito?!"- yung guy s-si... . Ace? Teka bakit nya ako kilala? Ay bobo mo Zelle! Kilala mo nga sya, nagtaka kapa kung bakit kilala ka nya?
"A-Ace... Ace"- with my trembling voice. Niyakap nya ako at pinayongan. I felt his warmth.
"Halika ka na, at ihahatid kita sa inyo"- at sumakay kami sa kotse nya. Buti pa tong si Ace. Si Ace na hindi ko na expect na pumunta ang sumipot. Bakit hindi sya sumipot?
MANSION NG MGA SCHELER >>>>>
"Maraming salamat, Ace!! Kung wala ka kanina siguro—"
"Bakit ba kasi nandoon ka pa? Kanina pa uwian natin hah! And you're welcome!"
"Long story kasi Ace eh! Pasensya na't naka abala pa ako sa'yo!"
"Buti nalang nakita mo sya iho at tinulungan mo siyang makapunta rito, maraming salamat"- sabi ni Mommy.
"Naku, wala ho yun Mrs. Sche--"
"Tita... call me tita"
"Wala ho yun, tita"- nakangiting sabi ni Ace. Nasa star section rin si Ace pero nasa Aqua nga lang. Pero kahit nasa kabilang section sya at hindi kami masyadong close, hindi nya parin ako pinabayaan kanina. At dahil dun, gusto ko syang maging kaibigan. At siya ang magiging kauna-unang kaibigan ko sa ibang section.
Dito na rin naghapunan si Ace sa amin. Para narin makapagpasalamat man lang kami ng konti sa kanya. Pagkatapos ng hapunan, nagpasya na sya na umuwi na...
"Salamat talaga Ace ah! Hinding-hindi ko talaga magsasawa pasalamatan ka. Gusto kitang maging kaibigan Ace"
"Oo naman! Babawi kapa sa akin nuh!"- tumawa ako. Kapal rin pala ng mukha nya nuh? De joke.
"Hindi Joke lang yun..."- pahabol nya pa. Hahahaha. Akala nya siguro na disappoint ako.
"Sige, Babawi ako sa'yo! Di ako sure kung baka bukas. Pero babawi talaga ako sa'yo. Syempre ikaw ang Superman ko eh"- tinabig ko ang kanyang balikat gamit ang aking balikat. Gets nyo?
"Wow, Superman talaga? Hahahaha. Sige, maghihintay ako ah? Kung nakalimutan mong bumawi sa akin, malulungkot ang superman mo."- at nag pout pa ang loko! Hahahaha. Wow, feel ko close na talaga kami ng matagal.
BINABASA MO ANG
Invisible [MinSul]
Romance“Invisible” tells you a story of a girl who fell in love with her boy best friend who has fallen with someone else. A common story, isn’t? This book was a MinSul story and was made for their shippers to read. Let’s see how a common story ends with a...