Chapter 7

9 1 0
                                    

Chapter 7

Her Spirit

Ang gabing ito'y natatangi. Isang gabing niyayakap ng sobrang maliwanag na buwan. The darkness with the moonlight stars. And the only thing that echoes throughout the city is the calm silence, and the air's refreshing breeze.

Last afternoon, before we could made our way home in here sa apartment... May nakita kaming sobrang nanghina at nag-aagaw buhay dulot ng kawalan niya ng hininga along the way.

With giggling kilig, shy faces, cute gestures like giving me a banana fruit to eat that I should try it too, smiling faces of what just happened na until now kinikilig ako, his care na alam kong hindi lang ito iyong plano niya sa akin, and for the way he dress me again. Nang matapos niya akong bihisan ay idinikit ko ang noo ko sa noo niya at tuloyan ko ng nayakap ang braso ko sa leeg niya.

I even kissed him for the last time tsaka namin iniligpit iyong picnic blanket, mga natirang pagkain, pinagpag ang damit at kinuha na ang aming mga bag sabay naglakad patungong daungan ng lantsa.

And as we walked through the forest, may nakita kaming naghihingalong buhay. He must be a lost tourist na sa sobrang excited niyang magpunta rito, nawala na siya sa kanyang patutunguhan at sa kanyang mapa.

Kaagad namin siyang pinuntahan at tinanong kung anong nangyari sa kanya.

"Hindi ako makahinga, ate..." Habang namimilipit na siya sa sakit. Nalagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa dibdib, isang senyales na sumasakit na ang kanyang puso. Inaatake siya sa puso.

Kaya ang ginawa ko ay nagpatulong ako kay Deyvin na ipapahinga siya sa mga katabing puno para macheck ko iyong pulse niya at mabigyan ko siya ng gamot. Kahit papagabi na ay sinubukan pa din namin.

Nakasandal siya habang unti-unti ng bumabalik ang kanyang normal na paghinga.

Habang nakasuri pa din sa kanya ang sthethoscope ko. Nang matapos ako sa pagchecheck sa kanya. Tinignan ko kung dala ko ba lahat ng gamot na inihanda ko bago kami pumunta rito. Good thing I brought it with me.

"Sir. Hindi lang ito allergy. I am a nurse po. Nakakuha po kayo ng Blastomycosis. I can help you with this medicine..." Habang tahimik lang sa gilid ko si Deyvin. Nakikinig sa amin habang ginagamot ko siya.

He handed me the extra water for this man.

"Saang hospital ka? Baka pwedeng doon na muna ako mamalagi, baka sasakit na naman puso ko tapos mawawalan na naman ng hininga..." I just nodded as he take the medicine by himself named Itraconazole. I am glad na hindi kami nagkaganito ni Deyvin. Sa nakuha ng lalaking ito dito sa forest. Maybe he already had a disease or his immune system is too weak for it to survive the airborne and bacterias here.

Nang matapos niyang mainom at malagok iyong gamot, kaagad niya akong pinasalamatan.

"Thank you, Nurse... What is your name?" Naghihintay siya sa aking sagot nang maisauli niya na ang tubig kay Deyvin.

"Take it with you, Sir. Sa iyo na ang tubig."

"Thank you..." Tsaka niya kinuha ulit ang tubig nang muling ibinigay ito ni Deyvin.

"I am Nerizza Hope po."

"My hope..." Sa sandaling ibinigkas niya ito'y sumakit ang aking ulo dahilan para ako'y manghina at matumba. At ang huling kong nadinig sa kanila'y, ang pagtawag ni Deyvin sa pangalan ko at ang lalaking tinatanong ang kung anong nangyayari sa akin.

I was back at the Island in Bohol. The Daughter of Boracay dahil sa maasul na may kasamang berdeng mga kulay nito na dagat. Habang pinaliligiran, pinanatili nito ang kagandahan ng mayamang buhay sa ilalim. I could still remember how we dive here with my brothers and with Deyvin before. Sinisid namin iyong malalim na parte para lang makakakita ng iba't-ibang isda, most especially, the clown fish and the fish named dory sa movie entitled Nemo. Ang ganda. Talagang pinangangalagaan ng mga taong naninirahan dito sa bohol. Kahit saan wala kang makikitang basura, ang makikita mo lang ay ang dahong dagat na nanggagaling pa sa malalim na parte ng dagat. Naalon ito't napunta sa buhangin. Katulad ng mga alimangong bigla-bigla nalang magpapakita sa'yo galing sa ilalim ng buhangin.

Peaceful Rest (Tiwala Series #4)Where stories live. Discover now