Chapter 1
Surprise
Today is Deyvin Jexther Romeo Arlantica's Birthday. 27th September 2029.
Happy Birthday, Baby!
Namulat akong tanging kasikatan lang ang daan tungo sa tagumpay sapagkat hindi nila naisip ang dapat pagtuonan ng pansin. The lesson, the quality, the purpose, the reason behind.
Aanhin ko ang pagiging sikat kung hindi ko napapaunlad ang sarili ko.
Gustohin ko mang magtago at mamulaklak sa hardin na pinapalibutan ng mga ibat-ibang klase ng bulaklak at paro-paro.
Pero hangad din ng mundo na ako'y pahalagahan at makilala sa pamamagitan ng aking mga obra-maestra. Talento. Kasanayan. Pasyon. Kagustohan.
Even the love of my life says I deserve to be known. I deserve to hear their appreciations sa sandaling malunod sila sa mga gawa ko at mabilisan ang kanilang pag-langoy kapag sila ay sumisid.
I appreciate your encouragement, baby. Thank you so much.
Ilang beses na akong nagtago pero palagi pa din akong nahahanap ng mga taong tunay na nagmamahal sa akin.
Ilang beses na akong namatay with the thinking of I should hide and disappear whenever there are inconveniences. But look at me now, peacefully in love with him. I failed to cut my hair, I never want to. I actually have the motivation to just go on, showing up myself to the people. So I could freely express who I am.
Na kahit ang hingin ang makipagbreak sa kanya'y hindi ko kailanman naisip hindi katulad noong mga nakaraang kong relasyon. Sa sobrang gulo gusto ko nalang mapag-isa. Kung ganito naman din, mas mabuti pang ako nalang tatahak sa aming ginawang landas. This one's different with Deyvin. Deyvin is literally different. Very different.
Bakit nga ba gustong-gusto nila ako masaksihang nagsusulat habang binabasa nila iyong mga gawa ko?
Konting kembot nalang iiyak na ako charot.
Tulala pa din ako pagkatapos ng kanyang speech. Isa siya sa pinakadalubhasang debatista sa unibersidad namin at hindi ko akalaing naisip niya ang mga iyon. Hindi na ako nagtaka kung bakit naiintindihan namin ang isa't-isa.
Pinapangarap yan ng nakararami. But attention is the least thing we could ever wish. Ayaw namin ng attensyon.
Gusto ko malaya akong nagagawa ng gusto ko, kalayaan lang at kapayapaan.
Kahit na ay minsan na akong sumiklab sa galit.
I was caged for years, afraid to show the vulnerability of my love.
Yet, nag-take out ako ng cake galing pa sa Nagoya. Haha tanginang bugso ng damdamin ito! Sino ba hindi mahuhulog sa bitag niya kung ang talino niya’y isa sa mga hinahangaan ko't pasok pa sa standards. Graduate pa iyan ng Summa pero binebebe ko lang. Hehe. Grabe ba.
Nang maaninag ko na ang kanyang sash na kanyang suot last graduation niya ay inilapag ko na ang cake sa mesa at talagang ngayon pa ako nag-ayos.
"Sorry to make you wait, Hope. Natagalan. Kinausap pa nila ako."
"It's okay. Here is my present for you, baby ko."
Nilapit ko sa kanya iyong box na may pa ribbon pang nakatali.
Tapos nilagay ko sa isang vase ang nabili kong White Carnations. His favorite. And a White Rose...
"Happy Birthday, Baby Deyvin..."
"Goddamn. Thank you so much, Baby."
Inamoy niya pa iyon habang nakasubaybay sa mga sagot ko kung saan ko daw ba nabili ang mga ito.
"What a wonderful gift, Baby! You just made my day, special and perfect!"
Ngayon ko lang napansin ang medals na nasa leeg niya at kanya itong tinanggal para ipasuot sa akin. Tangina! Ang galing-galing niya talaga. Kahit saan, laging panalo.
"These are for you. For being with me, with each other for years."
"I love you, Baby. Dadalhin kita sa bawat panalo ko at mga gantimpala gaya ng kung paano mo ako ipinagmalaki sabay dedicate sa akin ng appreciation lett—"
"Baby, where is my letters and poems?"
"Oh my god! Baby ko, I didn't make one." He sighed. Halatang disappointed.
Favorite niya talaga mga words ko. Kung paano ako mangbola at umakit. Damn spoiled delusional na ang aking baby.
"It's fine." Gumiginaw na ang buong silid.
"Joke. Here..." Inabot ko sa kanya ang manipis na booklet filled with my handwriting na siyang nagpakinang ng kanyang mga mata. Halatang-halata na talaga siya.
"Hoy grabe ka! First and second page ko palang. Naiiyak na ako sa kagandahan. Naiiyak na ako sa mga sinusulat mo."
"Deserve!"
"Thank you, baby ko. I am so happy. Sa kanila na lahat, wag lang ang maarteng baby at katalinuhan ko."
Nagtawanan nalang kami habang pilit niyang pinapaurong mga luha niya sa kaligayahan.
-
VentralCord
YOU ARE READING
Peaceful Rest (Tiwala Series #4)
Storie d'amoreON-GOING Most women raged wars but in my case I waged peace. The only peace I wanted to embrace for the rest of my life. For I found rest in his peaceful wind. I once wish becoming a nurse and I never thought I'd become someone's wife. Nerezza, a r...