Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.
Siniguro ko munang pwede na at dahan-dahang nag lakad. Hawak ang aking bisikleta sa kanang kamay, inalalayan ko si lola upang makatawid.
"Hawak ho kayo sa akin, la. Ako na ho bahala sa pinamili niyo at kasya naman sa basket ko." nakangiting tugon ko kay Lola na hindi ko matandaan kung ilang taon na...siguro mga nasa 80s or 90s at nakukuba nang naglalakad, nakalimutan ko na eh.
"Maraming salamat, neng. Naku! Naabala ka pa tuloy. Ayos nang makatawid ako at baka ikaw ay mahuli sa iyong klase." nanginginig na boses ni lola habang naka ngiti rin ito sa akin ng pagka cute gawa na wala na itong ipin. Hehe.
"Nakalimutan niyo ho atang ako yung pinakamahusay na mag bisikleta dito sa lugar natin, la! Yakang yaka ko na to. Sampung minuto lang, nasa iskul na ho ako." pagmamayabang ko pa habang dahan-dahan binababa yung mga pinamili ni lola.
"Osya! Wag ka nang madaldal at lumarga ka nang bata ka!" natawa ako habang pabirong pinapalo ni lola ang bandang pwetan ko.
"Hehe. Opo. Eto na po. Alis na ho ako!"
Sumampa na ako sa aking bisikleta at nagpadyak na. Nang hindi lumilingon, itinaas ko pa ang aking isang kamay at muling nagpaalam.
"Bye po la! Ingaaaat!" sigaw ko habang nakangiti.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko naman ang aking kapitbahay na bumibili ng tinapay sa may bakery malapit sa amin kaya napahinto ako.
"Kuya Nelson!" tawag ko dito.
"Uy! Ang aga mo ata boi?" tanong nito habang inaabot ang supot na may lamang pandesal. Uy! Sakto mainit pa!
"Penge. Hehe." kumagat muna ako bago nag salitang muli.
"Alam mo naman....t-trabaho muna ang inyong pogandang iskolar bago pumasok. Tsaka kuya, nagiipon ako para sa birthday ni Mama no." nakangusong sagot ko na tila nag mamayabang pa sa kanya na kaya ko nang kumita ng sarili kong pera.
"Aba talaga? Sige! Sagot na namin ni Franco yung softdrinks at ibang inumin! Lista mo na rin yung pancit ni Mama."
"Sabi mo yan ha! Sige na kuya, mauna na ako. Baka mag alboroto na naman yung boss kong kalbo! Babye!"
Nagmamadaling kinadena ko na yung bisikleta ko sa likod ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko nang makarating ako. Part time lang naman at saktong yung mga klase ko ay hapon pa. Tuwing umaga, yung oras ko ay nakalaan dito sa shop. Pagkatapos naman ng klase, diretso na ako sa training bilang isang varsity scholar.
"Piskit ka talaga! Kanina pa nag hahanap si kalbo sayo!" sinalubong ako ni Colet at initsa sa akin ang bib apron, katrabaho ko siya dito sa coffee shop. Kagaya ko, part time lang din si Colet dito ngunit hindi ito nag-aaral. Nahinto kasi siya simula nung ma aksidente yung tatay niya at hindi na makalakad kaya apektado yung pamumuhay nila. Marami din itong raket, bukod sa pagiging barista, ipinagmamalaki kong sabihin na isang mahusay na musikero itong si Colet kaya nga kami magkasundo kasi paminsan-minsan ay nakakasama ako sa mga raket nila ni Kuya Nelson at ume-extra bilang kanilang gitarista at back up na bokalista na rin.
"Lim!"
Sigaw ng boss kong kalbo.
"Paktay ka talaga bai." bulong ni Colet habang napa sign of the cross nalang ako pagkatapos isuot ang hairnet at cap at tumungo na sa opisina ni boss.
YOU ARE READING
Nobody | Mikhaiah Au
Fanfiction"Minahal mo ba talaga ako?" "Anong nangyari? Bakit humantong pa sa ganito? Hindi ba sapat na mahal mo 'ko? Na mahal kita?" Sana nga....sana ganun nga kadaling sabihin na sapat na ngang mahal namin ang isa't isa. "Sagutin mo naman ako mahal." "Kalim...