-Aiah-
I gather up my courage as Gwen pushed me to the counter where a certain girl was busy cleaning the coffee machine.
"Erm." I cleared my throat, getting her attention.
Wiping her hands clean, she faced me smiling as she proceeds in the counter.
"What's your order, ma'am?" she politely asked, her smile slowly dropping the more she held eye contact with me.
"Hi Colet, can we talk?"
-Colet-
"Kanina ka pa diyan pa ikot-ikot Colet, nahihilo na ako sayo." saway sa akin ni Zxyer, katrabaho ko dito sa shop.
Andito ako ngayon sa staff room at hindi ako mapakali pagkatapos akong lapitan ni Aiah Arceta kanina.
Ano bang kailangan niya sa akin?
"Bai, tanong lang." kumuha ako ng upuan at hinarap si Zxyer.
"Sige, shoot lang." tugon nito.
"Eto kasi, what if kilala mo yung crush ng bestfriend mo? Tapos bigla ka nitong kinausap, sabi niya 'can we talk?' Ang problema, inis ka sa crush ng kaibigan mo kasi itong si crush inaaway si bestfriend. May kutob ka na hindi maganda yung kahihinatnan ng paguusap niyo. Anong gagawin mo? Makikipag usap ka ba o tatanggihan mo?" halos magkabulol-bulol kong tanong sa kanya dahil sa pagmamadali ko na siya namang nagpatawa kay Zxyer.
"HAHAHA! Bai! Halata ka masyado! Baka nakakalimutan mo? Iisa lang yung alam naming kaibigian mo? Sino ba yang crush ni Mikha ha?" tanong nito habang naiiling pa.
"Yung chicks kasama ni Jhoanna at Gwen." sagot ko.
"Ay pucha! Yung anak ng mga Arceta?!" napatayo si Zxyer at sumilip sa labas. "Hanep bai! Siya nga!" halos pasigaw na wika nito.
"Oo na! Oo na! Siya yan. Wag ka maingay kay Mikha na sinabi ko ha. Magtatampo talaga sakin yon." pagpapaalala ko.
"Hala! Hala!" natarantang sigaw ni Zxyer habang patuloy na naka silip sa labas.
"Bai tago!" kaway nito sa akin habang naka silip parin. Kumaripas naman ako ng takbo patungo sa mga karton ng gatas at nagtago.
Kumakabog yung dibdib ko habang naka upo sa sahig at pilit na tinatago yung buong katawan ko habang naka silip rin sa kung saan nakatayo si Zxyer ng biglang...
"HAHAHAHAHAHAHA! TARANTADO KA VERGARA!" sigaw nito habang hawak hawak ang kanyang tiyan na halos mag lumpasay sa sahig kakatawa.
Ha? Anong nangyayari?
"Huy! Gago? Ano na? Sabi mo mag tago ak----"
Ay prank pala.
Inis na tumayo ako mula sa mga box ng gatas at nilapitan si Zxyer. Bigyan ko lang ng yakap......sa leeg.
"Piskit ka!" akmang sasakalin ko na sana si Zxyer nang biglang bumukas yung staff room. Sabay pasok naman ni boss Kalbo na masamang naka tingin sa amin.
YOU ARE READING
Nobody | Mikhaiah Au
Fanfiction"Minahal mo ba talaga ako?" "Anong nangyari? Bakit humantong pa sa ganito? Hindi ba sapat na mahal mo 'ko? Na mahal kita?" Sana nga....sana ganun nga kadaling sabihin na sapat na ngang mahal namin ang isa't isa. "Sagutin mo naman ako mahal." "Kalim...