Double Trouble

18 1 3
                                    

-Colet-



"Mikha!"





Napatingala nalang ako sa tumatawag sa akin mula sa taas.






Panigurado, magtatanong to kung saan ako galing.







"Saan ka galing? Ano yan? Dumaan ako sa shop, wala ka dun. Di ka naman gumagala na wala ako ah?" andito ako ngayon sa harap ng bahay nila Mikha at kaharap na ito habang sinusuri yung dala-dala kong ulam.







"Wolfgang?" Takang tanong nito na siya namang kinalaki ng kanyang mata.






"Sabi ko na nga ba! Ikaw yong nakita ko sa may labas! Yong bumaba sa kotse! Sino yon? Dumamoves ka na ba kay Rica---"






Dali-dali kong tinakpan yung bunganga ni Mikha nang dumaan yong mga pinsan ko sa harap namin na kung maka tingin ay mula ulo hanggang paa talaga.






"Piskit! Ang ingay mo naman bai!" hinatak ko si Mikha papasok ng bahay nila.







Syempre, nagmano na muna ako kay tita at tito na tahimik lang na nanonood ng balita.






"May sasabihin ako."




-Mikha-





"50k per song?! Sheeeeesh! Anong gig ba yan bai?!" sigaw ko nang ikwento sa akin ni Colet lahat.







"Charity daw bai."







"Sigurado ka bang si Arceta yon bai? Baka trap yon ha? Naku, pagaling pa lang tong sugat ko."






"Oo nga! Kulit nito! Kaya nga ako may dala na ulam kasi dinala nila ako ni Gwen at Jhoanna doon sa mall." inis na sagot ni Colet dahil kanina pa kami pa ulit-ulit at halos hindi ako makapaniwala na lumabas sila. Lalo na't hinatid pa siya ni Arceta.






Awit! Naunahan pa ako ah.







"Isang gabi lang naman diba?" tanong ko na siyang nagpaliwanag ng mukha ni Colet.








Kahit naman takot akong lumapit kay Arceta, syempre inaalala ko rin sina Colet. Malaking tulong rin kasi yon sa kanila dahil marami pang bayarin at pabor rin naman sa akin dahil hindi ko na kailangan rumaket ng marami upang ma kompleto yung pang surpresa ko sa birthday ni mama. Tamang tama, kaka bayad ko lang ng lechon kahapon at cake.  Kulang nalang ng ibang putahe na inorder ko sa kabilang zone na nagpapa-cater.






Simple lang naman talaga kami sa tuwing may birthday ngunit ngayon gusto ko maiba, 50 years old na kasi si mama at gaya nung nag 50 years si papa 3 years ago, gusto ko rin na ibongga yung kay mama. Lahams na lahams ko tong dalawang to eh.








"Sabihan ko nalang si Kuya Nelson pag baba ko mamaya Mikhs, ako na dadaan sa kanila." tugon ni Colet habang naka higa ito sa aking kama.







Tahimik lang din akong nag lalaro ng Rubiks cube sa kwarto ko nang biglang kumatok si mama.







"Nak, may naghahanap sa'yo."







"Sino po?" tanong ko at initsa kay Colet yung Rubiks cube na siya namang sinalo nito.






"Basta...baba ka muna." tanging sagot ni mama na tila naiinis at umalis na.





Nobody | Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now