-Mikha-
"Ikang! Halina't kumain at may gamot ka pang iinumin!" sigaw ni Papa mula sa kusina habang dali-dali akong nag ayos.
Kanina pa talaga kasi ako gising ngunit hindi agad nakapag gayak dahil ginulantang ako ng isang di inaasahang mensahe kaya't eto ako ngayon, nalulutang at hindi alam ang gagawin.
"Nak, kain na. Hindi na ba namamaga yang sugat mo?" tanong ni Mama sabang pinaghahain ako ng almusal.
"Hindi na po, medyo kumikirot lang ho pero yakang yaka to!"
"Osya, bilisan mo na at nang mahatid ka ni Franco sa skwelahan. Sinasabi ko sayo Mikha ha, wag na wag mong pipilitin mag training at baka bumuka yang sugat mo."
Tahimik lang akong tumango kay Papa habang pinapaalalahanan akong mag ingat gawa ng sugat kong hindi pa nag hihilom. Maaga ako ngayon sa school dahil kahit hapon pa yung mga klase ko, kailangan daw ako sa library mag duty muna habang hindi nakakapag training. Buti na rin yon at least hindi masyadong nakaka guilty na wala man lang akong gagawin.
Mag tututor lang daw ako ng iilang students na may remedial classes at kung wala namang student na magpapaturo, bantay nalang muna sa library. Hindi rin ako pinag duty ni boss Kalbo sa coffee shop ngayon at binigyan ako nang 5 days leave na alam ko namang si Stacey talaga may pakana.
"Nak, linisin muna natin yang sugat mo at nang matakpan na." bitbit ang first aid kit namin, pina upo na muna ako ni mama sa sofa at marahang ginamot yung sugat ko sa kamay.
"May pasa ka pa pala sa mukha, patingin nga nung sugat." nagulat naman ako sa isang pamilyar na boses na nag salita bigla sa likuran ko.
"S-staku?"
"Good morning po tita, tito." takang naka sunod lang yung mga tingin ko sa babaeng pumasok sa bahay at nag mano kila Mama at Papa.
"Bat andito ka?" tanong ko.
"May dinaanan lang ako somewhere na malapit dito so naisipan ko why not isabay na kita?" sagot nito at hinawakan yung pisngi ko at sinuri yung sugat sa gilid ng aking mga labi.
"Ah." tanging sambit ko.
Nakatitig lang ito sa labi ko habang nilalagyan ng ointment ang sugat ko at hindi ko mapigilang pagmasdan yung mukha ni Stacey na sobrang lapit.
Crush ka ata ni Stacey.
Naririnig ko ang boses ni Colet kaya umiling ako upang tanggalin yung iniisip ko. Gago talaga tong si Colet kung anu-ano kasi pinagsasabi eh.
"O-okay na ako Staku."
Marahan kong hinawakan yung mga kamay niya na sobrang lambot upang awatin na kaya't napa angat ang mga tingin nito sa akin. Saglit pa kaming nagkatitigan at hindi naman maitago ang biglaang pamumula ni Staku kaya't napabitaw ako sa kanya.
Luh.
"Ehem." rinig kong tumikhim si Mama habang naka tingin sa akin ng nakakaloko. "Sige na, gumayak na kayong dalawa at baka ma trapik pa kayo."
YOU ARE READING
Nobody | Mikhaiah Au
Fanfiction"Minahal mo ba talaga ako?" "Anong nangyari? Bakit humantong pa sa ganito? Hindi ba sapat na mahal mo 'ko? Na mahal kita?" Sana nga....sana ganun nga kadaling sabihin na sapat na ngang mahal namin ang isa't isa. "Sagutin mo naman ako mahal." "Kalim...