-Mikha-
Kakatapos lang ng gig at tahimik lang kaming nag liligpit ng mga instruments namin nang biglang may nag-amok na isang lasing sa may table na di kalayuan kila Stacey.
Nagka titigan pa kami ni Colet bago dali-daling sinara yung mga kaha ng gitara namin at patakbong lumabas sa backstage.
"Ay gago! Si mang Kanor na naman! Akala ko ba banned na to?" bulyaw ni Kuya Nelson sa likod namin.
"Di yan maba-ban kambal, balita ko kasi kumpare yan ng may-ari eh." sagot ni Kuya Franco sa kambal nito na handa na rin sumugod kung may gawin mang dikaaya-aya si mang Kanor.
Pinagmasdan lang namin si mang Kanor habang pa libot-libot itong nang hahamon ng away sa mga taga kabilang table.
"Ay gagi boi! Si Stacey!" dali-daling napalingon ako kung saan naroroon si mang Kanor. Pa gewang-gewang pa itong nag lakad papalapit sa table nila Stacey.
"Miss beautiful? Hehe." *hick* "Wag ka t-takot saken. Yung anak ko kamukha mo....ganda-ganda...mana sa akin kasi gwapo ako." lasing na tono at naka ngising wika ni mang Kanor kay Arceta na walang imik at naka tingin lang sa kabilang side.
Saktong nakalapit naman kami ni Colet sa table nila nang biglang magsalita si Arceta. Tila nanginginig pa yung boses nito.
"Stakuuu. Alis na tayo, he's being close na and ambaho niya....please." medyo pabulong ngunit narinig pala ni mang Kanor kaya bigla na lang itong nag wala sa harap namin.
"Anong mabaho?! Hoy! Tisay! Di porket mukhang mayaman ka eh gaganyanin mo ako! Aba'y nakaka insulto ka ah!"
Nagulantang kaming lahat sa biglaang pag wawala ni mang Kanor dahil sa komento ni Arceta sa kanya. Matic naman na napa hawak si Colet kay Stacey upang ilayo sila at sumod na rin ako habang marahan na tinutulak si Arceta sa likod -- upang siguradong hindi siya ma abot ni mang Kanor na pinipigilan na ngayon ng mga bouncer. Ngunit may sa kakulitan rin pala itong si mang Kanor at naka takas pa talaga. Di namin alam naka buntot na pala ito sa akin at bago pa man kami makarating sa exit kung saan nag hihintay sina Kuya Nelson ay nakaramdam nalang ako na may humawi sa akin mula sa likuran.
"Hoy tisay!"
Akmang hahatakin niya pa si Arcata kaya mabilis akong humarang.
"Wag!"
"Boi!"
"Hala! Si Mikha!"
"Piskit! Bai ilag!"
Rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko ngunit huli na ang lahat at naka tikim na ako ng isang malakas na sampal mula kay mang Kanor. Bat naman mananampal mang Kanor?
"Aray! Punyemas?! Mang Kanor! Awat na po!" nagpupumiglas pa ito nang pigilan ko ngunit dahil sa lakas ng pagkasampal nito sa akin ay nahihilo ako na nabibingi kaya hindi ako makakilos ng mabuti. Ramdam ko naman na may mahapdi sa gilid ng labi ko kaya't nang dilaan ko ito, nalasahan ko nalang ang sarili kong dugo.
Awit! Mapapagalitan pa yata ako ni Mama nito.
"Bat mo sinalo?! Sabihin mo diyan sa nobya mo na huwag na huwag akong iinsultuhin ha!" sigaw nito at umamba ulit ng sampal ngunit pumagitna na sila Kuya Nelson at sa hindi sinasadyang pangyayari, napaluhod ako sa sahig na may mga bubog gawa ng mga boteng nabasag ni mang Kanor kanina kaya't noong mailapat ko ang aking kamay upang itukod ito, bumaon ang isang malaking piraso ng basag na bote sa aking kamay.
YOU ARE READING
Nobody | Mikhaiah Au
Fanfiction"Minahal mo ba talaga ako?" "Anong nangyari? Bakit humantong pa sa ganito? Hindi ba sapat na mahal mo 'ko? Na mahal kita?" Sana nga....sana ganun nga kadaling sabihin na sapat na ngang mahal namin ang isa't isa. "Sagutin mo naman ako mahal." "Kalim...