Chapter 3

11 0 0
                                    

Bianca's POV

Nasa kotse na kami ni Caloy, tahimik kami parehas di ko alam saan nya ako dadalhin. Napaisip ako kung saan. Baka naman sa mall lang kami? Pero hindi eh, malayo na kami at hindi ko alam kung saan na tong lugar.

"Babe? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakniya na halatang nag tataka.

"Dyan dyan lang babe" sinabi nya ng nakangiti, para talaga syang buang -.-

"Isa! saan nga sabi!" Inis kong tanong sakniya.

"Secret babe" hays! Pa-secret secret pang nalalaman! Ano kaya? Hmm..

"Ok?" Sinagot ko sya ng nag Tataka.

Ilang oras na kaming nasa byahe ang traffic naman kasi -.- 4:30 na ng hapon di parin kami nakakapunta sa dapat naming puntahan! Maya maya ay nakaramdam ako ng antok at ang huli ko na lang nakita ang red light.

"Babe? Wake up? Nandito na tayo" inaayos nya ang aking buhok habang ginigising ako. Agad naman akong nagising.

"Uhmm? Nasan na tayo babe? Sorry nakatulog ako. Anong oras na ba?" Tanong ko sakniya. Habbang nag aayos ng buhok at tumingin sa salamin na hawak ko.

"Nasa tagaytay tayo babe, *tumingin sya sa wrist watch nya* 5:40 na babe." Ngumiti sya sakin.

"Ah? Medyo mahaba pala tulog ko." Tapos na ulit ako mag ayos ng aking sarili ayoko naman ng haggard :) nang makababa kami pumunta kami sa isang magandang garden napaka ganda nya :) at ilang sandali ay nag paalam sya na mag c-cr muna sya.

"Babe? Punta lang ako sa comfort room." Sabi nya.

"Ok, bilisan mo lang ok? Di ko alam tong lugar" sabi ko sakniya at hinalikan nya ako sa noo.

habbang wala sya ako naman ay manghang mangha sa nakikita ko, ang fresh ng air, nakaka stress out, this will be a beautiful place for me :). Ilang minuto na at hindi pa rin bumabalik si Caloy, nag alala na ako dahil 30 mins. na syang di bumabalik, tinextext ko sya ng ilang beses pero hindi sya nag rereply, tinatawagan ko sya pero hindi sumasagot.

"Ano ka ba Caloy! Nasan kana! Nag aalala na ako sayo sobra!! Tinetext kita di ka sumasagot! Pati ba naman tawag hindi!" Sabi ko saaking sarili, gosh!!!! Mag wa-1 hour na syang wala! Nasan na ba sya, umiiyak na ako dahil sa pag aalala.

Nagulat ako ng may lalaking may nag abot sakin na isang papel

"P-para sakin p-po ba ito kuya?" Tanong ko kay kuyang di ko kilala na habbang umiiyak.

"Oo hija, paki sunod na lang kung ano nakalagay dyan." Tumango ako sakniya bilang sagot.

at ang nakasulat dun ay

"Step 5 turn right" nagtataka ako at sinunuod yun habbang umiiyak sa pag aalala.

Nandito ako ngayon sa binigay na instruction dun sa papel, tumingin ako sa kanan pati na rin sa kaliwa hinanap ko si caloy pero wala sya dun, umiiyak ulit ako dahil sa pag aalala, muli ko syang tinext

Bianca Eugenio: Nasan kana babe? :'( im so worried! Where are you! :(

Sent √

Ngunit wala paring text, humulas na akong make up ko kanina kaya wala na akong make up ngayon.

May isang batang babae naman na nag abot ulit ng kapirasong papel at ang sinabi ko lang sakniya ay

"Thank you!" At ngumiti sakin ang batang paslit.

at ang nakasulat ay

"Step 8 turn left" agad kong sinunod yun at nagulat ako sa nakita ko. Mga kaibigan ko at mga kaibiga nya, sina mommy and daddy nandito rin, ang akala ko ay busy sila, pati na rin sina tito roy at si tita rica ay nandito rin ang mama at papa ni Caloy, lahat sila nakangiti sakin d ko alam ang ibig sabihin ng nang yayari ngayon.

"Waiting"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon