Chapter 19 Confirm

23 1 2
                                    

Bianca's POV

Lumipas ang dalawang buwan at nag tataka ako dahil hindi pa ako dinadatnan ng buwanang dalaw. Nakakapanibago, dahil kapag may niluluto sila Yaya eh ayoko ng amoy ang baho ng amoy nila kaya ayoko kumain, hindi naman ako mapili sa pag kain pero bakit ganto? Pati yung pabango ni Caloy ayoko na, nag susuka din ako every morning. Minsan ay pati sa gabi nag susuka ako. Nahihilo rin ako sobra tapos sumasakit ulo ko! Napaka antukin ko pa! -.- nagiging masungit din ako masyado!Jusmee!! Kailangan ko i-text si mommy at baka may sakit na ako!!!

Bianca Bedizon: Mom? Can we talk? Punta na lang po kami dyan ni Caloy sa Bahay.

Sent √

Agad namang sumagot si Mommy, sunday naman ngayon kaya hindi sila busy.

Mommy: Sure my dear, what time kayo pupunta dito?

Agad nag reply ako.

Bianca Bedizon: Maya maya mom? pag aayusin ko na si Caloy.

Sent √

Nag reply ulit si mom.

Mommy: Ok. Ingat sa byahe.

At hindi na ako nag reply. Inilapag ko muna ang cellphone ko sa gilid ng kama namin kung saan merong table. Bumaba ako para tawagin na s Caloy.

"Ano ba yang amoy na yan ang baho naman nakakasuka!" Bulalas ko saaking sarili.

"Babe? Ano ba yang niluluto mo? Ang bah-" di ko na natapos ang sinabi ko at tumakbo ako sa CR dahil nasusuka ako. Naramdaman ko namang sumunod saakin si Caloy sa CR.

"Ok ka lang babe?" Tanong saakin ni Caloy. At inabutan ako ng tubig.

"Ah? Uhmm..? Oo ok lang ako ayoko lang siguro ng niluluto mo di ko gusto." Sagot ko sakniya. At sabay kaming lumabas ng CR

"Uhmm? Punta pala tayo kila mom ngayon, so? Maligo kana, may pag uusapan lang kami ni Mommy." Sabi ko sakniya. Agad naman itong sumunod Saakin. Nag taka ako at napaka saya ng mokong na to! Ngiting ngiti ang loko loko -.-

Caloy's POV

Nitong buwan ay nagiging mainitin ang ulo ni Bea, lagi din nahihilo at nag susuka, ayaw nya na din daw sa pabango ko, parang dati ay gustong gusto nya ang bango ng aking pabango. Napaka antukin na rin nito. Medyo gusto rin nya ng maasim, minsan namin ay matatamis. Kaya ako naman ay bili ng gusto nya. Napaisip ako h-hindi..... k-kaya.... b-buntis sya???? kung buntis sya? Magiging daddy na ako at mag kaka-apo na sila mama! Ang kanilang pinaka hihintay.

Kanina ay nag suka na naman si Bea, at ayaw nya na naman ng niluluto kong pagkain. Siguro nga ay buntis ang aking Asawa :)

Pupunta daw kami kila mom kaya naligo agad ako, ano kaya ang pag uusapan nila? Tungkol kaya sa mga Symtoms ng kanyang pag bubuntis?

ngayon pa lang ay alam ko ng MAGIGING DADDY NA AKO!!! Napakasaya ko ngayon! ^_____^

Bianca's POV

Nasa kotse kami ni Caloy at tahimik lang, papunta kami kila Mommy. Buti naman at hindi sya nag pabango dahil ayoko ng amoy .______.

After 30 Mins. Siguro ang aming byahe. Naka park na ang sasakyan ni Caloy. Pumasok na kami sa bahay nila mom. Agad na bumungad saamin si Yaya Fe.

"Oh? Hija? Ikaw pala yan, kamusta na? Nga pala nasa Garden ang Mommy mo hinihintay ka nya kanina pa." Pag sabi ni yaya ay pumunta agad ako sa Garden.

"Babe? Wait mo na lang ako dyan ha? May pag uusapan lang kami ni Mommy." Tumango lang sya saakin.

Naglalakad ako papunta kay Mommy. At nakangiti sya saakin.

"Waiting"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon