Chapter 15 Surprise!!!

10 1 0
                                    

Bianca's POV

8:00 kami nagising ni Caloy, hay! Bitin ang tulog namin, 10:00 kasi kami aalis at Bumaba kami sa Sala may nakita si Caloy sa glass table nila isang malaking box at may ribbon na grey. Binasa nya ang nakasulat duon at binigay saakin.

"Babe? Pinapabigay ni mama, eto daw suotin mo" at inabot sakin ni Caloy.

Binuksan ko ito at napakaganda, color white ang dress, at may tip ng black. Simple pero maganda.

"Kumain na tayo at mag ayos babe baka ma-late pa tayo." sabi nya at kumain na agad kami.

Natapos na kaming kumain at mag ayos, ay agad naman kaming umalis, nag text sila mama na kasama nila sila mommy at daddy.

Binigay ang address, medyo malayo ang byahe namin.

Nakaratin na kami sa sinasabi nilang address, nakita namin ang sasakyan nila mommy na nasa labas at pumunta kami duon, nakita rin namin nakatayo sila at hinihintay na lamang kami. Nakita namin ang napaka gandang bahay, may tatlong palapag ang bahay pano namin nalaman? Dahil glass ang pinaka naging dingding nito at nang makarating kami ay naka-ngiti sila saaming dalawa.

"Surpriseee!! Nagustuhan nyo ba ang wedding gift namin sainyo?" Sabi ni mommy saamin. At inabot saamin ang susi ng bahay.

"Here couples." Sabi saamin ni mama
Inabot nya rin ang isang susi at ngumuso sa isang Ferrari na sasakyan, kulat pula ito at napakagandaaaa!!! At may plane ticket din na sa KOREA makakapunta kami gosh!!! Dito daw ang aming honey moon jusmee!! Kaloka to -.-

Nakita rin namin na may Pari. Pinabasbasan na agad ito nila mommy. Dito na kami matutulog mamaya may mga maids na rin dito. Kompleto na ang mga gamit dito ultimo pati damit namin ay nandito na.

Sa first floor nandito ang sala. Kitchen, garden, may CR din, may tulugan ng mga maids, at may 3guest room at sa labas ay may swimming pool. Napakaganda talaga!!! Umakyat kami sa 2nd floor at napakaganda rin ang aming nakita

2nd floor: may 5 kwarto, isa ay saaming kwarto napakalaki nito at may CR din sa loob. Sa sumunod na kwarto naman ay isang Baby Room, nanduon ang mga kompletong gamit ng baby. Wahhh!! Nakaka excited naman mag ka-anak hahaha! :) sumunod na kwarto naman ay ang office room, pag graduate kasi namin ay mag bi-bussiness agad kami. Sa sumunod na kwarto naman ay dalawang kwarto, para daw sa magiging anak Namin. Umakyat kami sa pangatlong palapag.

3rd floor: may garden at swimming pool ulit, may mga tables din pwede dito mag home work ang magiging anak daw ulit namin hahaha! :)

Napakalaki ng bahay na to para saamin. sobra kong nagustuhan ang regalo na to.

"Ito na ang ating palasyo mahal na reyna" sabi ni Caloy.!

"Napaka ganda nitooo!!" Sabi ko sakniya.

Tapos na basbasan ang bahay namin ay may konting pag sasalo salo ang pamilya namin.

--next update

"Waiting"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon