++

2 0 0
                                        

Isa, dalawa, tatlo
Ang bibig ko ay parang saradong libro,
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko,
Hindi ko na masabi ang nasa isip ko.

Nagbilang ako, binilang ko yung mga araw na sinabi mong gusto mo ako dahil naisip ko na maaubos at panandalian lamang ang nararamdaman mo.

Anim, pito, walo
Anim na pangako ang napako
Pitong regalo ang natanggap ko bilang kapalit nito.
Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili ko na may walong hakbang na ang distansiya palayo sayo.

Bakit nga ba malakas ang kabog ng dibdib ko habang kaharap kita? 
Ikaw na mahal ko ng sobra.
Kilig pa rin ba 'to o natatakot lang ako na marinig mula sa bibig mo na pinaglalaruan mo lang ako.
Siguro kung magkakaroon at magbibigay ng award sa mga pinaka pinaglaruan ngayong taon ay malamang nasa unahan ako.

Shots of SecretsWhere stories live. Discover now