I Love Kisses!

19.9K 277 16
                                    

Prologue - I Love Kisses!

Grade 3 palang kami ni Ken ay magbestfriend na kami. Bukod doon, tanggap niya ako kahit pa man ang kasarian ko.

Palabas kami ni Ken sa paaralan noon. Tapos dumiretso kami sa palaruan. Ito ang hilig namin dahil sa bata pa kami, at higit sa lahat, ay dito kami nagkakilala kung saan naging magbestfriend pa kami.

Naglalaro kami ni Ken sa playground nung mga oras na iyon ng tanungin ko siya about sa KISS. Ewan ko kung bakit na-curious lang kasi ako ehh.

"Ken, pwede bang magtanong?"

"Ano iyon?" habang naglalaro kami sa swing.

"Ano ba yung KISS?" tila nahihiya ko pang tanong. Siyempre malay mo pagtawanan niya ako kasi hindi ko yun alam. May alam man ako pero hindi sapat sa kaalaman ko. Eh nacucurious ako eh??

"Huh? Ba't mo naman natanong? Siyempre yun yung ginagawa ng dalawang tao pag gusto nila ang isa't isa o kaya kapag na-cut(e)an sila sa isang tao." at bumaba ito sa swing.

"Eh kasi... Na-curious lang ako ehhhh." at lumapit sa akin si Ken.

"Ang alam ko ganito yun oh. *MWUAH" at bigla niya akong hinalikan. MYGAWD! Bakit? Eh lalaki ak- este binabae pala. Pero smack lang ang mga iyon. Di naman namin alam yung TORRID kiyeme na yan haha at bata pa kami noh????????

AT ITO ANG REACTION KO ---

-_-

.

.

.

O.o

.

.

.

O.O

.

.

.

(///O.O//)

"Ba't mo ginawa iyon??? Hindi aman ako babae at nakakahiya noh..." sabi ko habang natataranta at baka may nakakita siyempre at namumula na ang pisngi ko sa hiya.

"Bakit lalaki ka ba?" sabi niya sabay tawa ng malakas.

Sarap kotongan eh ??? Mamaya ka sa akin.

"Kahit na. Lalaki pa rin ako, meron din ako ng katulad sayo. Hindi porke't pusong babae eh babae na ang pangkalahatan." sabi ko sa kanya sabay belat.

"Talaga lang huh? Sabagay, LALAKWE ka nga kasi haha :D"

"IKAWWWW!!!!!" sabay takbo ni ken palayo sa akin.

Habulan kung habulan kaso hindi ako mananalo dito sa lalaking ito. At paglaon ay umuwi na kami para makapag-review sa mga notes at assignment. Running for honors kasi kami ni Ken. Kami ang magkakumpetensiya. Minsan top 1 ako, minsan siya naman.

Grade 4 na kami noon, tapos kinabukasan, nalaman ko lilipat na siya ng school. Private raw ang sabi ng kaniyang mga magulang. At sa probinsya pa pala yun. Well, decision ng parents ehhhh? Alangang hadlangan ko pa? Mamimiss ko talaga siya. Siya kasi yung katangi-tangi kong kaibigan na napapaligaya sa akin pag nalulungkot ako.

Then eto na ang araw ng kaniyang pag-alis. Hindi ako lumalabas ng kwarto. Well ano bang gusto mong asahan? Matuwa? Malungkot pero alam kong para rin naman sa kaniya iyon.

Kumatok si kuya. Then may ipinaaabot daw si Ken. Isang box. Hindi ko alam kung anong pakana na naman ito. May nakakasulat sa ibabaw.

'Wag mong bubuksan! Nakakagulat!'

from your loving bestfriend

Ken (:

Loko-loko ba naman? Magpapabigay tapos wag bubuksan? Alam na alam ko na ang karakas ng aking kaibigan. Naku! Malamang sa alamang sa may alabang na ang laman nito ay maibabato ko sa kaniya pag nagkita kami muli. Kung magkita pa kami :(

Then I slowly open it. May Box pa ulit. Then another again. Then another ulit. Tapos isa. Leshe! Ang daming box. Yung huling box na may katamtamang laki (Isipin niyo yung size niya is 2 ft. x 2 ft.) wala ng box. Pero nakakagulat ang laman. Kung kayo ang makakakuha nito maibabato niyo sa sobrang gulat. ISANG BRIEF NA MAY CHOCOLATE KISSES. Budterp nomon oh??? Brief? Ayos na yung chocolate kisses. Pero yung tipong may brief maasar ka lang. Pagkuha ko nung nakaplastic na punong puno ng kisses, may nalaglag na papel.

Binasa ko ito.

.

.

.

Dear Shin,

Alam kong naiinis ka na at ako naman natatawa na. Hahaha ewan ko pero sayang hindi ko nakita ang epic face mo. Siya nga pala, remembrance ko para sayo! Isang brief na may chocolate kisses. I'm sure nagulat ka! Iyang brief na iyan kakasuot ko lang pala pakilabhan mu na rin kung gusto mo. Pwede mong gamitin para pag sinuot mo magkasama pa rin tayo. Lucky charm mo rin iyan. Sorry huh? Kung hindi na ako nakapagpaalam sayo. Pero tandaan mo, IKAW PA RIN ang best friend ko. Basta Save your KISSES for me huh? Sige hanggang dito na lang. Paalam! Paano ka ba nagulat? HAHAHAHA :D

Cute and Caring Best,

Ken :))

Natatawa tuloy ako sa mga kagaguhan ng aking bestfriend. Kahit kailan nang-aasar pa rin. Nakaalis na lahat lahat eh ganun pa rin.

Imbes na sundin yung sinabi niya eh tinago ko nalang yung brief niya. Ano siya hilo? Suotin ko?

At nakatulog na lang ako habang hawak ko ang Hershey's Chocolate kisses na ibinigay niya.

I Love Kisses! (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon