Hershey Loves 10

3.4K 98 7
                                    

Hershey Loves 10

Kenneth's POV

Ang saya ko lang! Niyakap niya ako. Ito na yung inaantay ko.

Alam kong panandalian lang ito pero ang saya ko lang.

Nang magising ako ay madilim pa rin.

Nakayakap siya sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam ng may kayakap ka.

Sana araw araw ganito na lang.

Kiniss ko yung noo niya. Sabi kasi nila, forehead kiss is the sweetest kiss that a man can give to his loveone.

Hindi ko naman siya nagising.

Mabuti na yung ganun.

Masaya ako kasi kasama ko siya.

Umuulan pa rin hanggang ngayon. Pero hindi na siya malakas tulad nung kanina.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko.

Pero malay niyo magpatuloy na ito hindi ba?

Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.

-------

Nagising ako liwanag ng araw na nagmumula sa isang bintana. Kahit isa lang iyon ay malamang may makakapasok na liwanag mula rito.

*ennnnnnng* - Bumukas yung pinto. Bumungad ang isang lalaking may hawak ng susi para sa storage room.

"Hala! Bakit kayo nandito?" Sabi ng Guard na nagbukas ng pinto.

Unti-unti naman akong umayos para tumayo. Inihiga ko muna si Shin sa may pader.

"Nakulong po kasi kami rito. May nagkulong po sa amin!" Sagot ko. Napakamot na lang sa ulo si manong guard.

*Yawwn*

Nagising na pala si Shin.

"Yawnnn! Bukas na pala ang pinto..." Nang masabi niya iyon ay bigla na lang lumaki yung pagkakaopen ng mata niya. "BUKAS NA PALA ANG PINTO! BAKIT HINDI MO SINABI?" Tsss. Here we go again!

"Kakabukas lang! Ayan si manong guard oh!" Turo ko sa lalaking nagbukas ng pinto. Guard nga siya kasi naka-uniform siya ng pang-guard.

"Tsk! Tara na!" Hindi niya pinansin si manong guard. At tumayo na siya sa pagkakaupo niya.

I Love Kisses! (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon