Hershey Loves 25

1.7K 54 2
                                    

Hershey Loves 25

Shin's POV

Nakalabas kami ng school ng hila hila niya ako. Nang medyo malapit na kami sa may parking lot, agad niya akong binitawan at tinanggal ang maskara. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinasakay ako.

Nang maaninagan ko ang itsura niya, d'on ako nagulat at bigla bigla na lang bumilis ang heartbeat ko.

'Wag ngayon!' sabi ko sa isip ko dahil iba ang dating ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Daig pa talaga ang pangangarera sa Sta. Elena eh. 

"IKAW?!" gulat na gulat kong sabi aa kaniya. Hindi ako makapaniwala na siya ang kasayaw ko at walang iba dahil siya rin ang may hatak hatak ng kamay ko.

Ngumiti lang siya sa akin at pinasakay ako sa kotse.

Pareho lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan. 'Yung tipong awkward ang dating kasi walang naimik sa amin ni isa.

Binuksan na lang niya ang radio para kahit papaano medyo gumanda ang atmosphere.

The day we met

Frozen, I held my breath

Right from the start

I knew that I found a home for my

Heart beats fast

Colors and promises

Sinabayan niya ang pagkanta sa radio. Napaka-genuine niyang kumanta as in mapapa-LSS ka kung sakali sa ganda ng boses niya. I never thought this guy can sing better than I expected. He's really perfect I think.

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt suddenly goes away somehow

Hayyyys. Sana ganito na lang kami forever.

Ramdam ko pa rin ang tensyon king saan dumadagundong ang tibok ng puso ko.

One step closer

I have died everyday waiting for you

Darlin' don't be afraid,

I have loved you for a thousand years

and I'll love you for a thousand more

Habang nagda-drive siya, kinuha niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay niya.

D'on ko mas naramdaman ang sobra-sobrang tensyon o mas kilala sa tawag na 'kilig'. D'on ko napansin na kinikilig na ako dahil sa mga ginagawa niya sa akin.

"Uwi muna tayo sa amin," biglang sabi niya habang nakatutok pa rin ang mata niya sa daanan.

Napatingin agad ako sa sinabi niya. Iuuwi niya ako? Hindi pwede 'to!

"A-ah..."

"Bakit? 'Wag kang kabahan, bukas kita ng umaga papakilala sa mga magulang ko." Lalo ko naramdaman ang kaba na may halong kilig.

"T-teka, wala sa plano an–"

"Wala ka nang magagawa, nakaplano na ang lahat." Napatungo na lang ako. Shete naman! Ayoko pang makilala ang magulang niya. Kakabahan ako nito. Natatakot ako kung ano ang sasabihin nila. Sabihin nila, nagdala ng bakla ang anak nila. Maraming gumugulo sa utak ko. Samu't-saring ideya dahil maaaring makagulo ako kung sakali.

"Tulog ka muna, gisingin na lang kita pag nasa bahay na tayo," ngiting saad niya habang nagda-drive pa rin.

"S-sige." Nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko at pinipisil-pisil niya pa ito.

Ehhhh! Paano ako makakatulog kung may fiestang nagaganap sa loob loob ko? May mga drums, radio at kung anu-anong ingay na maaari mo ihalintulad sa maiingay na bagay.

Hindi ko alam nakatulog na pala ako. Ginising na lang niya ako nang makahinto naang sasakyan namin sa bahay nila.

BAHAY NILA! Ang laki kaya ng house nila! Grabe, mayaman pala siya–I mean ang pamilya niya. How come na nag-aral siya sa school namin?

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto na siyang ikinatuwa ko dahil sa hindi ko na pala kailangan magbukas ng pinto. Akala niyo tungkol sa pagiging gentleman niya? Konti lang naman. Hehehe.

Nang makapasok na ako sa bahay namin, nakita ko na maganda ang pagkakaayos nang mga gamit. Maging sa kulay ng mga appliances, talagang pang-mayaman. Honestly speaking, parang milyones ang mga artifacts o mga antique na gamit na meron sila.

Shocking sa ngala-ngala! Grabe kaya sa sobrang mahal kung titingnan.

"Welcome home, Young Master," Bati sa kaniya na parang si Hayate the Butler lang ang peg. Taray! Siya na may butler. Siya na mayaman.

"Oh, kuya, bakit 'di pa kayo natutulog? Ayos na po kami, magpahinga na kayo," sabi niya habang tinatanggal ang sapatos at pinaltan nang tsinelas na pambahay. Inabutan din ako ng butler nila ng tsinelas.

"Sige, ipaghahanda po muna namin kayo ng hapunan," pagpaalam nito sa amin para pumunta sa kusina at ipaalam na maghanda ng pagkain sa amin. Actually, medyo busog pa naman ako nang dahil sa mga kinain ko sa party.

Kaso after pumasok n'ong butler bigla naman na agad kaming tinawag para...

"Dinner is ready!" sigaw ng isang boses babae sa kusina. Medyo napapangiti na lang si Kenneth ng marinig 'yun.

I wonder kung katulong ba nila, mayordoma o yaya nila 'yon? Basta pinuntahan na lang namin ni Kenneth ang Dining Room nila.

Pagkapasok mo pa lang, kakikitaan mo ng pagkaelegante ang hapag-kainan nila. As in, mapapahiyaw ka sa sobrang elegante ng mga display. May crystal spoons and forks, may pans and pots, plates and bowls at kung anu-anong mamahaling gamit pang-kusina. Grabe!

I saw a girl wearing pink apron with strawberry design on it. Kumakanta-kanta pa ito habang inaayos 'yung mga pagkaing nilalagay sa plato.

"Lalalalala~" pakanta-kanta pa nito. Gusto kong matawa sa kaniya at the same time, cute ang datingan niya. Nang makita niya kami, napangiti na lang ito bigla.

"Oh! Hi! How are you, my dear brother?"

'Yan ang sabi niya nang makita niya si Kenneth. OMG! Is this is her sister? I thought it was only a maid who loves to sing while preparing the foods.

"I'm fine," he said calmly. Ramdam mo 'yung kinakabahan ka kasi kaharap mo 'yung isa sa pamilya niya? Ito 'yun eh!

"Oh, by the way, we have a visitor here, may I know who's this luckiest person?" She smiled at me while asking his brother.

OMG! This is it, pansit! Ito na naman 'yung pakiramdam na sasabog ang puso mo sa sobrng bilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwined at pagkatapos ngumiti siya sa akin habang sinasabi niya ang...

"He's my kisses, Shin."

------

Tidus' Note:

Medyo korni this chapter. Well, the end is near! I hope magustuhan niyo ang chapter na 'to even though short update lang :)

Sensya busy talaga akong tao. Lately, nakakalimutan kong marami akong iuupdate kaso busy sa work eh.

Bawi ako sa susunod. :D

I Love Kisses! (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon