Hershey Loves 20

2.7K 71 4
                                    

Hershey Loves 20

Shin's POV

Napakaganda ng sikat ng araw sa iyong paggising, kasabay ng hanging dumarampi sa balat mong kay kinis.

RAWR! Grabe! Hindi ako pwepwedeng makipagbalagtasan. Hindi bagay sa akin.

Actually, maganda lang ang araw ko ngayon. Oo, maganda talaga. Matapos lahat ng mga sakuna, bagyo, lindol, chos! Este nang matapos ang pagsusulit sa kada quarter, siyempre party party!

Magdiwang dahil nakatapos na ng isang quarter and I'm so proud na nakapasa kami HAHAHA.

Actually, ang bilis ng araw. October na naman. Tatanda na naman ako ng isang taon. Parang ayaw ko tuloy dumating ang birthday ko kasi madadagdagan na naman ng number ang edad ko. Madagdagan ka nga lang ng isang taon, feeling matanda ka na e.

Naglalakad ako papasok ng classroom ng mapansin ko wala pa ang barkada.

Teka, ba't wala pa kaya ang baliw kong mga kaibigan?

Pati si Kenneth, wala rin. Nasa'n sila?

Ang nakita ko lang si Daniel.

"Ui, Dan!" agaw pansin ko para pansinin niya ako. Napatingin naman siya sa akin at sabay ngumiti nang makita niya ako.

He's cute but there's a side from him ang hindi ko mabasa.

Masyado siyang tahimik, tapos parang may something na laging nakatingin kay Kenji. Hmm? Ano bang meron?

"Hi!" sabi nito. Napatingin ako sa binabasa niya. Ang kaso, bigla niya tinabi ang librong binabasa.

Ano kaya ang binabasa niya? Baka naman...

HAHAHA! Ano ba 'tong naiisip ko? Nakakaloka!

"Nasaan na sila?" hindi ko na lang pinansin ang libro. It doesn't matter to me naman kung ano 'yung binabasa niya.

"Lumabas silang lahat pero hindi nila sinabi kung saan sila pupunta." sabay kuha ng ibang librong babasahin. Isang wattpad book siya. Ahhh, wattpad lover siguro 'to.

"Sige salamat! Ba't hindi ka sumama?"

"May binabasa pa kasi ako," utas niya. Ayaw magpaistorbo gan'on? Kung ako siguro ang nasa posisyon niya, hindi rin ako magpapaistorbo.

Umupo na lang ako sa pwesto ko. Aantayin ko na lang sila.

Maya-maya'y...

Ang ingay sa labas. Maraming tao ang naglabasan galing sa iba't-ibang classroom.

I Love Kisses! (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon