Hershey Loves 23

2.3K 72 0
                                    

Hershey Loves 23

Shin's POV

After namin sa Giant Ferris Wheel, dumiretso kami sa food court.

Naghanap sila ng mauupuan namin at nang makakita sila, agad silang nakipag-agawan sa isang grupo na sana'y uupo d'on.

Sorry na lang sila kasi, kapag sina Athena ang kinalaban mo eh sigurado namang aalis at aalis kayo.

Nagsiupuan naman na kaming magbabarkada at nagsimula na mag-ingay.

"Guys anong order niyo?" tanong ni Kenji.

"Lechon manok na lang tayo!" eto na naman si Athena sa pangunguna niya. Naglabasan na ng mga pera ang mga ito. Siyempre papahuli ba ako?

Kinuha ko naman ang pouch size wallet ko at kukuha na ng pera. Ibibigay ko na kay Kaitlyn ang ambag ko nang...

"Ambag pala namin ni Shin," sabay abot ni Kenneth ng pera niya. Nagulat ako siyempre kasi I never expect this guy would treat me for the food.

"Uy ano ka ba?" kinalabit ko siya, "Bakit?"

Napalingon siya sa hawak kong pera at sabay sabing, "Ako nang bahala sa pagkain mo, my treat!"

Akmang iaabot ko talaga 'yung pera dahil nakakahiya kay Kenneth. Kahit bang sabihin nating libre 'yan at 'di dapat tinatanggihan, ay ayokong magbayad siya sa ambag ko.

Pero naibalik ko sa pouch ko 'yung pera nang sinabi niya na, "Subukan mo at hahalikan kita."

Good boy muna me. Ayoko ngang mahalikan sa sobrang dami ng tao ngayon? Nakakahiya kaya. Nakakahiyang makita nilang naghahalikan ang dalawang lalaki kahit pa sabihin nating wala silang pakialam eh makikialam pa rin at gagawa ng chismis 'di ba?

Umorder na sina Joseph at Kenji. Nagkwekwentuhan naman kami ng maki-epal si Sandy.

"OMG! Ang tagal naman nila? Gutom na ako." Arte ng bruha. Nakakainis! Sarap niyang ilublob sa tubig na malapit sa Pirate Adventure.

Inimitate naman ni Athena ang sinabi nito bago magsalita, "Huwag kang mag-inarte dahil hindi ikaw ang pumipila d'on."

"Eh sa gutom na ako eh!"

"Kainin mo 'yung tira sa kabilang table."

"Ba't 'di mo gawin? Ikaw nakaisip?"

Napatiim-bagang na lang si Athena at ayaw niyang patulan ang bruha.

Pero si Penelope, hindi papatalo 'yan, "Sino bang gutom na gutom diyan? Mag-antay ka dahil nagpabili ka lang. Kung gusto mo ikaw pumila imbes na sila ang nag-aantay d'on."

"Tss." napatigil na lang si Sandy. Nanahimik na lang ito at kinuha ang phone at nagpupumindot na lang siya.

Naging bangka na naman ng kwento si Athena. Tawa lang kami ng tawa nang may nakabasa sa kaniya ng juice. Nagulat kaming lahat na nakaupo kasi bigla na lang siyang natapunan ng juice. Sakto pa naman sa suot niyang damit.

"Miss, sorry." Agad naman sumaklolo ang nakabasa sa kaniya.

Tumayo si Athena at pinagpag ang suot niyang shirt na nabasa ni kuyang pogi. Buti na lang may extra shirt si Athena. Actually, tama kayo ng pagkakarinig. Pogi nga si kuya. Kaso tanga lang.

Siyempre ano bang aasahan niyo kay Athena? Since magagalit na 'yan, dadagundong na naman ang lupa dahil sa dala nitong lindol. Chos.

Nang mapatingin siya kay kuya, parehong shock ang itsurang maibabakas mo sa kanila.

"Ikaw?" sabay pa nilang sabi sa isa't-isa. Hmmm? Smell like fish char!

"Athena!" sabi ni kuyang pogi.

I Love Kisses! (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon