CHAPTER 20

169 17 6
                                        

"Ohhhh Nay,Tay ang dami naman atang pagkain "Sambit ni Nhai ng makita namin ang nakahaing pagkain sa lamesa

"Nay Linda Tapos na birthday mo diba?"imik pa ni Erol

Kakabalik lang namin naligo sa dagat at palubog na ang araw ng umahon kami

"Bukas uuwi na itong dalawa kaya gusto namin ehh bigyan naman ng despedida dahil hindi na namin alam kung kelan ulit namin makakasama itong dalawa sa pagkain "Sagot ni Nanay Linda at parang kumirot ang puso ko sa sinabi nya

"Hindi naman po kailangan maraming pagkain kahit simple lang na diningding ayos na Basta kayo po nag luto "sambit naman ni Nhai sabay tingin sakin kaya nag tawanan ang lahat

Nung nag luto kasi ako ng diningding sana daw pinainom ko na lang sila ng tubig sa dagat ,Sobrang alat daw kasi kaya hindi na ulit ako nag luto

"Kayo talaga inaasar nyo na naman itong si Four sya na mag sipag bihis na kayo at ng makakain tayo"saway ni Nanay Linda sa mga ito

"Sige uwi Muna kami babalik kami ahh Dito kami kakain "paalam nila Erol at Din ako naman ay umakyat para kuhaan ng damit si Nhai at tuwalya para din kumuha ng damit ko at pinauna na itong mag banlaw saka ako sumunod sa kanya

Nang makabalik sina Erol at Din ay Saka kami kumain ng hapunan habang nag kukwentuhan

"Oo nga pala pag nakabalik na kayo sa Manila ibig sabihin —Kailangan nyo na ulit layuan ang isat -isa at hindi lang basta layuan kasi sa isang linggo na ang kasal mo Four diba?"sambit ni Erol agad naman syang pinalo ni Din para sawayin ito

Natahimik ang lahat at nagkatinginan kami ni Nhai ng hawakan nya ang kamay ko na nasa lamesa

"Oo nga pala ano masyado tayong masaya nakalimutan natin ang katotohanan "sambit pa ni Tatay Jose pero wala kaming nasagot ni Nhai kung hindi pilit na ngiti lamang

Natapos ang hapunan namin at konting inuman nila Tatay Jose ,Erol at Nhai  halos dilim na  din sa labas  ng matapos sila kaya umuwi na rin sina Din at Erol sina Nanay Linda naman at Nanay Jose ay nauna ng umakyat sa taas habang ako ay lumabas pa sa unahan ng bahay para mag pahangin

"Bakit parang malalim pa sa Gabi at sa dagat ang iniisip mo ?"pagyakap ni Nhai sakin mula sa likod kasabay ng pag patong nito sakin ng blanket

"Iniisip ko lang yung sinabi ni Erol kanina "sagot ko dito at saka humarap sa kanya
"Nhai ! Uuwi na tayo bukas ibig sabihin tapos na naman ang lahat ng to ,Ibig sabihin babalik na ulit tayo sa kung anong naghihintay satin sa labas ng Isla na to "sambit ko pa

"I'm sorry but we have to.Napakaraming nakasalalay sating dalawa at maging ako hindi pa ako handang bumalik "sagot nito at Saka ako niyakap ng mahigpit kaya napapikit na lang ako at ninanamnam ang init ng bawat yakap nya

Batid ko na sa pag balik namin ay kailangan ko na syang pakawalan ng tuluyan at ganun rin sya sakin . Kailangan na naming pakawalan ang isat -isa at tuluyan ng tapusin ang kwento naming dalawa .Pero hindi tulad noong una tila mas masakit ang paghihiwalay namin ngayon dahil batid namin na ito na ang huli at hangang dito na lang ang lahat .

"Four mahal kita "pagsasalita nito habang yakap yakap nya ako kaya humiwalay ako sakanya at hinawakan ang kanyang  muka

"Mahal din kita Nhai ,mahal na mahal saksi ang dagat , ang mga bituwin at buwan kung gaano kita kamahal , Kung ako lang din ang masusunod ayoko ng umuwi Dito na lang ako basta kasama kita pero anong saysay na kasama ka kung wala rin naman satin at sa mga tao dito ang lugar nato "sagot dito at nakatitig lamang sa mga mata nya

Nasa sitwasyon na kami na kaya na naming piliin at ipaglaban ang isat -isa ngunit hindi tulad noon may mas malaking nakasalalay sa relasyon naming dalawa hindi lamang ang mga pamilya at tradisyon ng pamilya namin kundi mga inosenteng tao na naninirahan sa islang ito .Kaya paano ?paano namin pipiliing maging makasarili kung sa pagiging masaya Namin ay pagiging miserable ng nakararami ?

STRANDED HEART Where stories live. Discover now