CHAPTER 31

260 19 5
                                        

---------------------FOUR'S POV-----------------      4days before
the wedding

"Sir sa arch po what color po yung gusto nyong flower I full or beige po ba natin?"

"A-ahhhmm what I want is Beige ,Cream and Blush pink mix sya yun ang gusto ko sa pinakang backdrop for the ceremony "paliwanag ko sa wedding stylist namin

Apat na araw na lang at kasal na namin kaya one week ago bumalik kami ni Nhai sa Isla kasama namin sina Ark at Fifth tapos narin ang bahay at naipaayos ni Nhai ang lahat mga gamit na kailangan dun ay meron na kaya pwede ng tirahan

One week ago pa nag start ang lahat since malayo din sa bayan ang Isla at Hindi madali dalhin ang mga gamit na kakailanganin  para sa kasal , ang daddy ni Nhai a month ago pa bumili ng malaking Yate para daw mas mabilis si Mama naman ay ganun din at yun ang mga Sasakyang pang dagat ang ginagamit papasok at palabas ng Isla para mag dala ng mga supplies doon wala din kasing signal sa Isla kaya mahirap ma contact ang isat -isa kaya napakaraming nag aasikaso ng kasal namin na mga kinuha ni Nhai para ayusin ang lahat .

We planned an intimate wedding in the island pero kahit ganun hindi biro Ang naging gastos ,Well Pamilya ni Nhai halos ang gumastos ng lahat because they want to kung may ginastos man ako o si Mama siguro yung mga gamit Namin sa bahay sa Isla kasi ako ang nag insist kay Nhai na ako na ang bahala nun pumayag naman ito kaya hinayaan nya na ako .

"Aileen Ikaw munang bahala dito ha  puntahan mo lang ako bahay pag may kailangan ka "bilin ko sa Coordinator namin bago ako bumalik sa bahay

"Si Nhai po ?"pagatatanong ko kay nanay Linda na nasa bahay namin pag pasok ko doon

"Lumabas kasama ng kuya nya at Tatay Jose mo baka andyan lang"sagot ni Nanay Linda

"Si Fifth po ?kasama nila ?"tanong ko pa Saka pabagsak na naupo sa couch

Villa style ang pinagawa ni Nhai na Bahay sa Isla naiiba kumpara sa mga bahay doon pero plinano na namin ni Nhai na gawing katulad ng bahay ang mga bahay nila para mas maging maayos at komportable Ang lahat at Planong simulan yun pagbalik Namin ni Nhai galing ibang bansa pag naayos namin ang wedding registration namin abroad

"Si Din ang kasama nya hindi ko rin alam kung saan nag punta "sagot nito Saka ako inabutan ng tubig

"Kamusta naman ang lahat ?"pagtatanong pa nito naupo sa tabi ko

"Okay naman po , sobrang na excite talaga ako Nay kasi finally mangyayari na po talaga to dito pa sa napaka spesyal
na lugar para samin ni Nhai "imik ko dito

"Sinabi ko naman sayo kung kayo talaga,kayo talaga mahahanap nyo ang daan pabalik sa isat -isa kahit saan pa kayo dinala ng mga pangyayaring nangyari sa Buhay nyo at tingnan mo ang daming nangyari pero andito parin kayong dalawa at mag kasama sa Lugar kung saan nag simula ang lahat "sambit ni Nanay Linda at napangiti na lang ako

Tama sya dahil sa hinaba haba ng mag nangyari saming dalawa ni Nhai dito parin kami dinala ng panahon ,babalik sa Isla na to kung saan nagsimula ang lahat saming dalawa .

Habang nag papahinga dahil sa init ng panahon sa labas ay nahiga muna ako sa sofa para mag pahinga dahil sumakit ang paa ko kakaikot kanina habang chinecheck ang lahat sa preparation.

"Love !,Loveeee "nagising ako ng may humaplos sa muka ko at pag mulat ko ay nakita ko si Nhai

"Love gabi na po ,bakit dito ka natulog?"imik nito saka ako bumangon at nakita kong dilim na nga sa labas tanging liwanag na lang ng mga solar light ang nag bibigay liwanag sa paligid

"Ngayon ka lang ba bumalik ?"tanong ko kasi sa pag kakatanda 2pm na ng bumalik ako sa bahay at dilim na ngayon kung kanina pa sya bumalik dapat nakita na nya ako sa sofa at ginising

STRANDED HEART Where stories live. Discover now