Unang kabanata: Ang Sundo

19.7K 511 76
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

==== ==== ====

==== ==== ====

Divisoria...

''Dalian mo naman Virginia! Kahit kailan talaga, napakakupad mo!" Naiinis na sabi ni Teresita sa anak na dalaga. Nasa kasagsagan ito ng pamimili ng mga gagamiting props para sa kunwaring pagkausap sa kaluluwa ng isang kliyente. Nakasuot ito ng malaking salaming may kulay, at pulang jihab na nakabalot sa buong ulo upang hindi makilala ng makakakita. Tila isang babaeng muslim ang gayak.

Nagmamadaling lumapit si Virginia sa ina, bitbit ang malalaking plastic bag, "Ang dami-dami na nito, nay. Gagamitin ba nating lahat ito?" humihingal na tanong ng dalaga.

"Malaki ang ibabayad ni Mrs. Corpuz kapag nakausap niya ang kanyang asawa. Kaya dapat maging handa tayo. Ang mga pausok ba nasiguro mong nakasama diyan sa mga bitbit mo? Alam mo naman 'yang si Beho, masyadong magulang. Ipapatay bata na naman tayo ng sinigang na 'yan!" mataray na sabi ng ginang.

"A-anong--, sinong sinigang nay?" naguguluhang tanong ni Virginia.

"Si Beho! Hindi mo ba naamoy? Punyeta, ang asim!" pintas ni Teresita.

"Ang inay talaga! Psychic ka ba o komedyante?" Biro niya matapos tumango bilang tugon sa itinanong nito.

"Hay naku Virginia, ang luma-luma na ng joke ko natawa ka pa rin? Napakababaw mo talaga. Halika na nga! Doon naman tayo sa bilihan ng mga sequence. Feel ko gumamit ng kumikinang na head dress para nagre-reflect sa ilaw," pagkasabi ay naglakad na ang ginang.

Naiiling na sumunod ang dalaga. Isang pahabang pwesto ng kung ano-anong palamuti ang pinasok nila. Nakita niya agad ang isang batang babae, nakaupo ito sa may sulok ng mesa na bahagyang natatakpan ng mga telang nakalaylay sa isang kahoy na tila sampayan. Kinabahan siya, "Hindi kaya magnanakaw ang batang ito?

Ngunit saglit lang at siya na rin ang nagpahinahon sa sarili, ''Hindi naman siguro. Maputi siya, maayos ang buhok na may ribbon at maganda ang bihis. Hmm, anak siguro ng may-ari o kaya ay apo." Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang nakita at tumingin-tingin na rin sa mga panindang naroroon. Nalilibang na siya sa pagbusisi ng makikintab na butones nang maramdamang may dumaan sa gawing likuran niya. Iniusod pa niya ang hawak na plastik dahil bahagyang gumalaw ang mga iyon. Nakangiti siyang lumingon upang humingi ng paumanhin.

"Huh! Nasaan na 'yon, bakit walang tao? Pero may naramdaman akong dumaan. Imposibleng hangin lang 'yon eh nasanggi pa nga ang dala ko. Saan nagpunta 'yon?" tanong niya sa sarili. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makitang may bata sa ilalim ng mesa! Mabilis niyang nilinga ang batang kanina lang ay nakita sa gawing dulo ng tindahan. Mabilis gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan. Nanlaki ang kanyang ulo sa matinding takot na naramdaman!

"Shhh.., huwag kang maingay ha," sabi ng bata sabay lagay ng hintuturo sa tapat ng labi. Nakatingala ito at ang mga mata ay nandidilat na nakatingin sa kanya.

Napaurong siya at agad nagsisigaw! "Aaaah...! Inaaaaay!" malakas niyang tawag sa ina. Napalingon sa kanya ang mga mamiling naroroon. Kunot-noong tinignan din siya ng ina, ngunit hindi lumapit. Nanulis agad ang nguso nito at sumimangot, "Nakaw eksena talaga ang lintik na ito! Kapag nakilala ako ng mga tao rito, malilintikan ka talaga sa akin!"

Lady PSYCHIC (lumuluhang kaluluwa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon