Nagising ako sa sikat ng araw. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto; alas dose na pala ng tanghali.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, hindi na gaano kasakit ang ibabá ko kaya malaya akong nakapunta sa banyo para maligo.
Inilublob ko ang sariling katawan sa maligamgam na tubig sa bath tub at namahinga sandali.
'Tok! Tok! Tok!'
Tatlong mahihinang katok galing sa labas ang narinig ko. Umahon ako at kinuha ang bathrobe na nakapatong sa sink bago buksan ang pinto ng banyo. Bumungad si Don.
"Bumaba ka pag tapos mo. Kumain ka muna, bago kita ihatid sa inyo." malamig na aniya.
Hindi ko na siya sinagot at isinarado ang pinto. Dali-dali kong tinapos ang aking paliligo.
Ayokong umuwi, pero ayoko rin namang manatili pa rito. Kung pu-puwede lang nga na sa hotel nalang ako tumuloy eh.
Padabog akong bumaba sa hagdanan, sinadya kong lakasan ang mga yabag ko hanggang sa marating ko ang hapag kainan kung saan naroon si Donny Rossi.
Hindi niya ako tinapunan manlang ng tingin at nagsalita. "Maupo ka, eat your meal." malamig na aniya. "Masyado kang halata..." pasimpleng bulong niya ngunit narinig ko pa rin.
I just rolled my eyes and glared at him. "Nasaan na ang maghahatid sa akin? uuwi na ako."
"I said eat." utos niya pa.
Kulit din ng lelang nito, eh!
"Doon nalang ako kakain sa bahay namin." diin ko. "May mga mas masarap na pagkain, that is waiting for me on our house. Tulad nalang ni..." pang-aasar ko. I saw his face turned red. Hindi ko alam kung galit ba siya o ewan.
Got ya!
"You're talking about Alezanthriel who's more delicious than...me? I bet not, Issabella." tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin.
Napako ako sa kinatatayuan ko, gustuhin ko mang umatras at talikuran siya ngunit tila may sariling buhay ang mga binti ko at hindi ko maigalaw.
"Do you want me to prove it?, I'm more way better than Alezanthriel, Bella. More than your husband." he whispered through my ears that makes my heart beats fast.
Nag iwas ako ng tingin at tinalikuran siya. "T-tawagin mo nalang ako pag aalis na. Ayokong kumain." wika ko bago tuluyang umalis.
Nagtungo ako sa pinaka malapit na banyo sa may kusina. Tinapat ko ang salamin sa may sink then turned on the faucet at naghilamos.
Pinat*y ko ang gripo ng mahimasmasan at hinarap ulit ang salamin.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang pag iinit ng mga pisngi ko.
"Aish, kainis." bulong ko sa hangin.
Kung alam ko lang na marunong din siya gumanti, edi sana hindi ko nalang siya inasar. Tsk..
Nagpakawala ako ng malakas na bugtong hininga at liningon ulit ang salamin na nasa harap ko.
"Ano bang nangyayare sa'yo, Issabella?" pagtatanong ko sa sarili ko at huminga nang malalim. "Deal is a deal. Walang personal na ano. Ano ba yan!" inis na singhal ko.
'I love you, Bella.'
Napa-hawak ako sa sariling sentido nang maalala ang sinabi niya.
Ngayon tuloy ay gulong gulo na ako!
YOU ARE READING
A Love Unforseen
RomanceDriven by a burning desire for revenge, a woman sets her sights on the man who wronged her. Issabella seduces him, her heart cold and calculating, her mind focused solely on the satisfaction of his downfall. But her carefully constructed plan unrave...