Ibinagsak ko ang sariling katawan sa malambot kong kama.
"Andito na naman ako, back to normal na." bulong ko sa hangin.
Kinapa ko sa bulsa ko ang telepono ko at tinipa ang number ni Areez. Naka ilang ring lang naman ito bago niya sagutin.
["Oh bakz!! namiss kita, how's your vacation? how are you?"] aniya.
'Hindi ako okay, Areez.' gustong sabihin sa kaniya, pero ayoko namang dagdagan din ang iniisip niya.
"Maayos naman ako, Areez. Namiss din kita." balik ko. "Ikaw? kumusta ka?" I asked him with my soft voice.
["I'm good, I'm good. Medyo stress lang sa iba ko pang alaga rito, juice ko po! mga pabebé sa shoot!"] aniya na ikinatawa ko.
"Don't worry, Areez. Babalik na ang pinaka-mabait mong alaga." I teased him.
["Echoséra! pero totoo? ang sabi mo one week kang magbabakante, ikalawang araw mo palang ah?"] nagtatakang tanong niya.
Napa-buntong hininga ako. "Ayoko namang mag stay lang dito sa bahay. Wala naman akong ibang gagawin." dahilan ko.
Sa totoo lang, gusto kong mag pahinga, mag relax. Pero feeling ko mas lalo akong mapapagod at sasakit ang ulo kung mananatili lang ako rito, kasama si Zanthriel.
Kahit pa minsan lang siyang umuwi, dahil may ibang puke siyang inuuwian, tsk.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Areez sa telepono at ibinaba na niya ang tawag.
Ipinatong ko ang telepono ko sa bed side table at umayos na ng higa. Ipinikit ko na ang mga mata ko nang may marinig akong malalakas na katok galing sa pinto ng kwarto ko.
Dali-dali akong tumayo para silipin kung sino ito.
"Ahh!" daing ko nang salubungin ko ang makapal na palad ni Alezanthriel. Nagsimulang mag-init ang gilid ng mata ko nang tignan ko siya. "Ano bang problema mo, Zanthriel?!?" sigaw na tanong ko sa kaniya.
"You! ikaw ang problema ko, Issabella!" sigaw niya pa sabay ng isa pang malakas na sámpal na ikinatumba ko sa kama.
My heart beats fast as I looked at him. Namumula ang mukha niya sa galit.
He grabbed my chin and locked his eyes onto mine. "Bakit ba lagi mo akong ginaganito, Mia?!" gigil na aniya. Amoy na amoy ko sa bunganga niya ang alcohol na ininom niya. Lasing siya.
YOU ARE READING
A Love Unforseen
RomanceDriven by a burning desire for revenge, a woman sets her sights on the man who wronged her. Issabella seduces him, her heart cold and calculating, her mind focused solely on the satisfaction of his downfall. But her carefully constructed plan unrave...