Sandali akong natahimik at inalala ang mga sinabi niya pa kanina. Pati na ang pag amin niya na siya si Rafael.
Rafael was my highschool friend. Highschool lover, I guess. Kilala kaming dalawa as the famous couple na tinatawag nilang 'love birds' sa university way back then.
Matagal din ang pinagsamahan namin, kaya ganon nalang ang lungkot na nadama ko noong sapilitan akong ilipat ng school pagtungtong ko sa college. Doon ko na nakilala si Alezanthriel.
He was a nice guy. He courted me hanggang sa tuluyan akong nahulog sa kaniya. Wala na akong balita pa noon kay Rafael mula umalis ako, kaya akala ko ay tuluyan na niya akong kinalimutan. Kaya nagsimula na rin ako ng panibagong yugto ng buhay ko, kasama si Zanthriel.
We got married after naming gumraduate, masaya kami, maayos ang buhay namin sa nagdaang tatlong buwan pag tapos naming ikasal.
But it changed after ko malaman ang illegal na negosyo ng pamilya nila. Tinanggap ko siya, kahit na alam kong mapanganib para sa akin at sa kaniya. Pero tuluyan siyang nagbago, nanlamig ang pakikitungo sa akin. Umuuwi siya sa mansion na may kasamang iba't-ibang babae ngunit umaakto ako na hindi ko iyon nakita at kinalilimutan ko. Dinaadaanan niya ako sa bawat sulok na parang hindi ako nag e-exist.
I thought marrying him was the best decision I've ever made in my life. Pero parang ito pa ang pinakamalalang nangyare sa buhay ko. Wala na sanang dumating pa na mas malala.
Pero kung siya nga si Rafael, kung si Donny nga. It means, Donny was the guy that I loved before?
Is it possible?
Nabalik ako sa huwisyo nang may biglaang kumatok sa pinto.
"Señiorita, ipinapatawag ka na po ni señior." rinig ko sa boses ng isa sa mga katulong.
"Sige, susunod ako. Salamat." wika ko at hinarap ulit ang salamin. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa banyo.
Kinuha ko lang ang maliit na bag na dala-dala ko nang pumunta ako rito. Pag tapos non ay lumabas na ako para tunguhin ang sasakyan.
Ayokong makita si Alezanthriel. Ayoko rin naman nang makita ang mukha jang Donny na 'to..
Nadatnan ko si Donny na naghihintay sa sasakyan. Imbis na tapunan pa siya ng pansin ay nilagpasan ko na siya at dumeretso sa loob ng sasakyan. Pagka-pasók niya rin sa loob ng sasakyan ay sinenyasan niya ang kaniyang tauhan na umandar na.
Tahimik ang buong byahe hanggang marating namin ang estate namin.
'Kung bakit kasi kailangan pang sumama nitong lalakeng 'to. Hindi rin naman pala siya ang mag da-drive, tss.' wika ko sa isip ko sabay palihim na umirap sa katabi ko.
Bumaba ako sa sasakyan nang huminto na ito. Hindi ko na hinintay pa si Donny at dere-deretsong naglakad patungo sa loob ng mansion.
I didn't bother to look at him again hanggang sa makatung-tong ako sa loob. Pasimple akong tumingin nang isinara ko ang pinto ng main entrance. Nakita ko naman ang sasakyan niyang papalayo na.
Suddenly, my heart sank.
Hindi manlang siya nag alangan na sundan ako...
Teka?! bakit ba ako umaasa sa lalakeng iyon? deal lang 'yon, Issabella. Just a fucking one night stand, kaya huwag kang mag expect.
Tumingala ako nang naramdaman ang pag init ng gilid ng mata ko, para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo rito.
"You're already home." napalingon ako nang marinig ang malamig na boses ni Alezanthriel.
Home? fuck. Hindi ko nga maramdaman na this is my home, eh.
"Go get some rest." utos niya na tinanguan ko lang naman.
Nilagpasan ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko.
YOU ARE READING
A Love Unforseen
RomanceDriven by a burning desire for revenge, a woman sets her sights on the man who wronged her. Issabella seduces him, her heart cold and calculating, her mind focused solely on the satisfaction of his downfall. But her carefully constructed plan unrave...