"Kaibigan ko pa talaga? Hah, nakakawala ka ng respeto, pinahiya mo pati ako sa school!" sigaw ng ate ko habang papasok kami sa mansion.
Yung sinabi niya, hindi ko na pinasok sa tenga ko. Pinalabas ko na lang ito, hindi ko kayang harapin pa ang mga saloobin niyang iyon.
"Hay nako, ano bang gagawin ko sayo, pati ako tatanda ng maaga!" dagdag pa niya, na parang hindi na alam kung paano ako papaluin ng matinding sermon.
Pero sa kabila ng lahat ng galit na binabato sa akin, ang tanging nararamdaman ko lang ay nanatiling Galit. Kung pinahaya ko man ang Isolde ay pati naman ako hindi niya nirepesto.
"Ano, uupo ka lang diyan?!" galit na sigaw ng ate ko nang makaupo ako sa malaking sofa sa sala.
"Ano, gusto mo tatayo ako at pakinggan ang lahat ng sermon mo?" sagot ko, hindi ko na kayang pigilan ang galit na lumalabas sa bibig ko. Tinutok ko ang mga mata ko sa kanya, at sa tingin ko, nahirapan siyang harapin ang tanong ko.
Hindi ko na kayang makinig sa mga sermon niya. Sa totoo lang, parang walang katapusan na lang ang mga reklamo at galit sa paligid ko. Yung galit ko kay Isolde, pati na rin ang nararamdaman kong hindi ako nirerespeto, nagiging sanhi ng lahat ng ito. Gusto ko lang sana ng konting pag-unawa, pero sa mga nangyayari, parang lahat ng galit ko ay patuloy na pinapalakas.
"Hoy Ariana Gabriellen, magtino ka naman! Bata ka, lagi mo na lang ako binibigyan ng sakit ng ulo! Kailan ka ba magtino? Hindi naman kita pagalitan kung hindi ikaw ang may kasalanan! Dahil mismo ako nakasaksi, ikaw ang may mali! Para kang tanga na umiksena dahil lang nagalit ka, dahil hindi ikaw yung gusto ni Syrone?" sigaw ng ate ko, ang mukha niya puno ng frustration.
Bawat salita niya ay tumama sa puso ko, pero hindi ko na kayang tumahimik. Iba na ang nararamdaman ko ngayon-galit at sakit na hindi ko kayang ipaliwanag. Parang lahat ng nararamdaman ko, pinupukol sa akin, at hindi ko na alam kung paano ko ito haharapin.
"Oo, at hindi lang dahil doon. I hate that Isolde, not just because of that! Yang kaibigan mo ang rason kung bakit ako laging nangunguna sa absent list, at dahil sa kanya kaya mas lalo akong naging late at hindi makapasok-pasok sa subject ko!" sigaw ko, ang init ng ulo ko tumataas habang binubuka ko ang lahat ng pinipigilang saloobin.
Hindi ko na kayang itago. Si Isolde, pati na rin ang mga nangyari, hindi ko na kayang ilihim. Bawat galit at sakit na nararamdaman ko, nandiyan na, at hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ako.
"Oh my God, Gabrielle, pinupuntong mo sa kanya ang katangahan mo? Kung sana magtanda ka, at ginawa lang niya ang dapat gawin as a president council. Para kang bata, napaka-spoiled mo na, hindi na 'yan tama! Late ka dahil palagi kang late magising? Kung ayaw mong mangyari pa 'yon, matuto ka!" sigaw ni ate, puno ng inis at pagkabigo.
Bawat salita niya ay parang patak ng malamig na tubig na tumama sa mukha ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit, ang galit, lahat ng nararamdaman ko ay parang sumabog. Nasa harap ko ang mga tao na nakatingin, pero ang iniisip ko lang, hindi ko na kayang magpanggap na okay ako.
"Lagi naman ako ang may mali eh always me!" sigaw ko sabay kuha ng bag ko na nasa sofa.
"Talagang mali mo!, napaka isip bata mo parin magka college kana be matured!" sigaw niya at napahawak pa sa noo.
"Napaka unfair mo, ate!" sagot ko, nanginginig sa galit at sakit. "Lagi na lang ako ang may kasalanan, tapos ako pa yung sinisisi mo. Hindi ko na kayang maging perfect sa mga mata mo. Pati nga yung mga nangyari sa school, parang ako na lang lagi ang may kasalanan!"
Hinila ko ang bag ko at naglakad palayo, pero naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko. "Wala akong ginusto kundi maging okay, pero palagi akong nakikita bilang mali. Hindi ko na alam kung anong kailangan kong gawin para mapansin na may nararamdaman din ako."
YOU ARE READING
When she knocks
Mystery / ThrillerBakit nga ba ganito? Bakit sa bawat panaginip ko, laging babae ang nakikita ko? Hindi ko maiwasang magtaka. Laging babae ang kapartner ko sa panaginip-isang babae na wala man lang mukha, hindi ko matukoy kung sino. Siya ang lagi kong kasama, ang bab...