Chapter 4

2 0 0
                                    


Pagkababa ko sa hagdan, diretso akong pumasok sa kusina at nakita ko si Mom na nagbe-bake ng cake.

“Isn’t your class at eight?” tanong niya habang binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang glass pitcher. Nilagyan ko ng tubig ang baso ko.

“Gabriellen, did you hear me?” tanong niya ulit. Humarap naman ako sakanya pero walang gana, tumango lang ako.

“Are you mute?” may diin niyang tanong, halatang naiinis na. Binuksan ko ulit ang refrigerator at ibinalik ang pitsel.

Hindi ako sumagot. Sa halip, nilagpasan ko siya, pero naramdaman kong hinablot niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"I didn’t raise you to act like this, so show me some respect!" madiin niyang sabi habang nakatitig sa akin nang seryoso.

"Yes" sagot ko napahawak siya sa nuo niya at nilapag ang hawak niyang gamit sa pag bake.

"kaya hindi ko masisi ang dad mo kong bakit galit sayo, dahil sa ugali mong yan!"

"That’s why I can’t blame your dad for being mad at you—because of that attitude of yours!" madiin niyang sabi, at akala ko doon na matatapos ang sermon niya. Pero mali ako.

"Gabriellen, you’re so ungrateful! Do you even realize how much we’re doing for you? Lagi mong binabalewala ang sinasabi namin! Akala mo ba lahat ng gusto mo, makukuha mo nang ganyan kadali? You think the world revolves around you?" Tumataas na ang boses niya, at ramdam ko ang bawat salitang tumatama sa dibdib ko.

Hindi pa siya natapos. "Do you even know how hard your dad works? And ako? I’ve sacrificed so much just to make sure you have everything you need! Pero ganyan ka makitungo sa amin? Wala kang respeto! Wala kang konsiderasyon!"

Pinipigilan ko ang sarili kong magsalita. Ayokong lumala pa ang sitwasyon. Nanatili akong tahimik, kahit na parang unti-unting bumibigat ang dibdib ko sa bawat salitang binibitawan niya.

"Look at me when I’m talking to you!" hinarap niya ako nang mas madiin, pero hindi ko siya magawang tingnan sa mata. Nakatitig lang ako sa sahig, pilit iniinda ang bawat litanya niya.

"Kong ganyan ka lagi, Gabriellen, don’t expect us to keep putting up with you! Ayusin mo yang ugali mo. Hindi kita pinalaki para maging ganyan!" madiin niyang sabi, ang galit ay kitang-kita sa mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumahol na lang ako, nasaktan at galit.

"What do you want me to do? I grew up like this! All of you are the same! No matter how much good I do, it’s always nothing to you, right, Mom?" I shouted, my eyes locked on hers, the pain clear in my voice.

"Pero kapag gumawa ako ng kasalanan, doon niyo lang ako napapansin!"

"Yeah, that's why I prefer being a troublemaker, kasi at least you notice me! Pero ang problema, you only see my mistakes—hindi niyo man lang makita yung mga maganda bagay na ginagawa ko!"

"WHAT?!" biglang sigaw ni Mommy, ang mukha niya nagngangalit sa galit. "Sino ka bang magtataas ng boses sa akin?!"

"Look at yourself, Gabriellen! Is this how you act now? Trying to act all high and mighty?! Well, if you’re gonna be like that, I’m not allowing it! I didn’t raise you to have this kind of attitude!"

"Huwag mong gawing excuse ang pagiging pasaway mo! Whatever mistakes you’ve made, IT’S YOUR RESPONSIBILITY TO FIX IT! You can’t just hide behind your mistakes!"

Tinutok niya ang daliri sa akin, at ramdam ko ang bigat ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nanatili akong tahimik, hindi ko na kayang magsalita pa. Tumayo siya, parang tinitimbang ang bawat hakbang habang iniwasan ko siyang tingnan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When she knocksWhere stories live. Discover now