Bakit nga ba ganito? Bakit sa bawat panaginip ko, laging babae ang nakikita ko? Hindi ko maiwasang magtaka. Laging babae ang kapartner ko sa panaginip-isang babae na wala man lang mukha, hindi ko matukoy kung sino. Siya ang lagi kong kasama, ang babaeng paulit-ulit kong naiisip, at sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi siya lalaki. Minsan naiisip ko, kung bakit hindi ito ang akala kong magiging kasamahan ko sa buhay. Palagi kong tanong sa sarili, bakit babae? Anong ibig sabihin ng mga panaginip kong ito na laging siya, hindi siya isang lalaki kundi isang faceless na babae? Laging ganito, paulit-ulit, at hindi ko pa rin natutuklasan ang sagot.