DANGER; Namjoon

1K 41 19
                                    

"Angel, may nagpapabigay. Taga kabilang section."


Omg. Flowers!


"Taray mo talaga bhe, umaabot ng kabilang section yung ganda mo."


Inirapan ko lang si Jaira.


Kanino naman kaya galing to?


Babasahin ko na sana yung card nang biglang may lumapit sakin at kinuha yung mga bulaklak.


"Uy ano yan? Wow flowers- AY SORRY!"


Si Namjoon.

Nabitawan lang naman nya yung boquet.


Aish! Kainis! Ang ganda pa naman ng arrangement nun!


"Sorry talaga, Angel. Sorry!"


Lumuhod sya para kunin yung mga nagkalat na petals.


Wala na e, sira na.


"Yaan mo na, wala na yan. Kahit naman pulutin mo yan, di na yan babalik sa dati."


Tumayo naman sya agad at lumapit na naman sakin.


"Sorry talaga, Angel."


"Ayos lang. Ge."


Bumalik na ako sa upuan ko at ganun rin naman sya.


"Angel, may nagpapabigay ulit!"


Napatingin ako dun sa may pinto.


May hawak hawak si Andie.


Na naman?


"Ay Angel, di ko na kinakaya to. Iba ka na talaga."


Siniko ko lang si Jaira.


Don't worry. Ganyan talaga kami magmahalan.


"Isang box ng chocolate bhe. Good luck sa lalamunan mo. Oh, pakiabot nga kay Angel."


Tatayo na sana ako para kunin yung box pero biglang sumingit si Namjoon.


"Ako na."


Lumapit sya kay Andie at kinuha yung chocolates pero...


"HALA SORRY!"


Napatid sya sa bag nung isa naming classmate.


Wala akong ibang narinig kundi yung pagbagsak ng lalagyanan nung mga chocolates sa sahig.


"Angel, sorry!"


Sinimulan nya itong pulutin.


Isa isa.



Kahit alam naman nyang di ko na rin makakain yun.


Buti sana kung nakabalot diba.


"Namjoon, tama na."


Di pa rin sya tumitigil.


"Excuse me, yung chocolate, naapakan mo."


Pati sa ilalim ng mga upuan, nagsusuot sya para lang makuha yung mga tumapon na chocolates.


"Namjoon, okay na yan."

Nung matapos na sya, lumapit sya sakin para iabot sana yung mga chocolates kaso....


"AY TANGIN- SORRY!"


Nadulas sya.


Kumalat ulit lahat ng chocolates sa sahig.


Nagtawanan nalang yung mga kaklase namin.



"Angel-"



"Ano bang problema mo?!"


Hindi ko sinasadya pero nasigawan ko sya.


Nakakaasar na kasi e.



Lagi nalang syang ganyan!

Bat di nalang sya maglagay ng 'CAUTION: DANGER' sa noo nya?!

Hindi ko nga alam kung sadyang lampa ba talaga sya o nanggagago lang.


"Hindi ko talag-"


"Hindi mo sinasadya?! Ano, hindi mo na naman sinasadya? Hindi mo sinasadyang masira yung boquet, hindi mo rin sinasadyang matapon yung mga chocolates?! Ano ba talaga, Namjoon?! Nakakapikon ka na e!"

Pinulot na naman nya yung mga nahulog na chocolates.


"Hindi ko naman talaga sinasadya e. Sorry na."


Natawa nalang ako.


Totoo ba tong taong to?


I mean, may tao ba talagang ganto?


Na bawat hawakan nya, kung hindi nasisira, napapahamak?


"Tama na, Namjoon. Tumayo ka na dyan."


Hindi sya nakikinig. Pinupulot pa rin nya.


"Namjoon, UTANG NA LOOB. TAMA NA."


Dun lang sya tumigil.



"Sorry, Angel."


Wow. Sorry? Yun na yon?


"Alam mo, Namjoon, nung una nakakaaliw ka pa e. Nakakatawa lang kasi na bawat hawakan mo nasisira. Pero yung araw araw nalang? Ano, hindi ka na ba talaga titino? Hindi na ba titino yung coordination ng buong katawan mo? Pinanganak ka ba para mamputangina ng lahat ng maayos na bagay sa mundo?"


Di ko na napigilan yung sarili ko.


Elementary palang kasi, ganyan na sya.

Fourth year high school na kami, utang na loob naman.

Uso mag improve!


"Sorry na. Sorry okay? Sinasadya ko ba? Hindi, Angel. Sa tingin mo ba ginusto ko to? Kung makapag salita ka, akala mo wala kang nasisira."

Nakayuko lang sya.

"Fyi, wala pa akong nasisira ever sa school na to or kahit na anong gamit ng mga kaklase natin!"


"Sigurado ka?"


"Oo naman, duh!"


"Paano kung sabihin ko sayong, may nasira ka na?"


Huh? Ako? May nasira?


"Excuse me? Sa pagkakaalam ko, wala pa akong nasisira ni isang gamit dito."


Tumingin sya sakin nang nakangiti.



"Meron."


"A-ano?"



"Ito..."



Tinuro nya yung kaliwang dibdib nya.


"Sa tuwing tinatanggap mo yung mga pinapaabot nila sayo, nasisira mo to.

Sa tuwing nakikipag usap ka sa ibang lalaki, nasisira mo to.

Sa tuwing pinagsasalitaan mo ko ng masasakit na bagay, nasisira mo to.

Sa tuwing binabale wala mo lang ako, nasisira mo to.

Sirang sira na to, Angel.

Pero ang galing nga e. Kasi kahit sira na to, tumitibok pa rin sya...



para sayo."



[kkeut]

BTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon