I LIKE IT; BTS

756 24 7
                                    



"Hay! Nakauwi na din! Punyetang trapik ah, akala ko forever na ako sa jeep kanina!!"

Ibinaba mo ang backpack na nakasukbit sa likod mo at naupo sa kama.

Mag hahatinggabi na pero kakauwi mo palang. Buti nalang tulog na yung mga magulang mo kundi baka nakurot ka na naman sa singit.

Paniguradong babanatan ka na naman ng nanay mo ng walang kamatayang linya nya tuwing ginagabi ka sa daanan:

"Anong oras na!! Uwi ba yan ng matinong babae?!"

Pasalamat ka nalang talaga.

2nd day of the week palang pero haggard na haggard ka na. Ayos naman diba.

Nagbihis ka na ng pantulog, naghilamos at nagtoothbrush.

Pagkatapos nun ay sumalampak ka na sa kama mo at nagselpon habang nakahiga.

Tahimik kang nagsscroll ng timeline mo sa twitter nang makita mo ang hashtag na pamilyar sayo:

#ARMYSelcaDay

"Hala oo nga pal- ARAY PUCHA!!"

Bumagsak yung phone sa mukha mo. Selpon pa more habang nakahiga.

Agad kang napaupo at nagayos ng mukha para magselca.

"Wala akong pake kung haggard ako punyeta. Di ko pwedeng mamiss to."

Nagselca ka na.

May nakapeace sign.

May nakapout.

May nakawink.

May naka finger heart.

"Pakshit naman. Kainis ang pangit ko bat ganon!!" Mangiyak-ngiyak ka na.

Nakabenteng selca ka muna bago makuntento sa kung anong picture ang gagamitin mo para sa selca day.

In the end, yung nakasmile nalang yung pinili mo.

"Okay na nga to! Simplicity is beauty naman daw diba."

Nagcompose ka na ng tweet at nilagyan sa dulo ng #ARMYSelcaDay.

Nilagyan mo rin ng picture ng bias mo dahil.....wala lang. Yun din kasi yung ginagawa nila kaya nakigaya ka na rin. Inggitera ka kasi masyado.

After nun sinend mo na yung tweet at nilock ang phone mo.

At dahil nahaggard ka ulit sa kakapose ng kung ano ano, lumabas ka sa kwarto mo at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

"Shocks. Wag lang talaga may magpakitang mumu sakin dito kundi magkakasubukan kami punyeta." Bulong mo sa sarili mo habang papunta sa kusina.

Binuksan mo agad yung ilaw para safe.

Binuksan mo na yung ref at kumuha ng isang pitsel ng tubig. At dahil wala ng ngang gising maliban sayo, tinungga mo nalang yung inuman. Ang baboy mo nakakadiri ka.

Habang umiinom, binuksan mo yung phone mo at nagulat ka dahil sabog ang notifications mo sa twitter.

Puro rt at likes yung selca na pinost mo.

Tumigil ka saglit sa pag inom.

"Wow ha. Senpai na ba ako ngayon? Bat andaming rt at likes neto?"

Chineck mo yung notifications mo at pinagpatuloy na ulit ang pag inom ng tubig.

OMG

YOURE SO LUCKY

I WISH I WAS YOU

OMG ANG SWERTE

HOW DOES IT FEEL???

KINGINA MO BHE ANG SWERTE MO

ARE YOU STILL ALIVE???

Hindi mo alam kung bat puro ganyan ang mentions sayo. Kahit hindi mo mutual, tinweet ka din.

Scroll ka lang ng scroll sa notifications mo hanggang sa makita mo yung pinakalast na notif mo.

Reply ito dun sa selca day tweet mo.

BTS_twt: 좋아요.

Naibuga mo yung tubig na iniinom mo.

"Putang ina."

Nanginginig yung mga tuhod mo habang tinitingnan yung tweet na yon.

Chineck mo pa yung profile nung nagtweet sayo dahil baka jinojongdae ka lang.

At laging gulat mo ng makita ko yung blue na check sa tabi ng 방탄소년단.

"Putang ina talaga!!" Maluha-luha ka na.

After ng isang minutong pagtulala sa tweet ng Bangtan sayo, dali-dali mo itong screeninshot.

Ibinalik mo yung pitsel sa loob ng ref at pumasok na ulit sa kwarto mo.

At doon ka nagwala.

Hinampas mo yung kama mo.

Hinagis mo yung kumot mo.

Sinuntok suntok mo yung mga unan mo.

Hindi ka makalma.

Sino ba naman makakalma kung ganun diba???

Tiningnan mo ulit yung tweet ng Bangtan sayo. Baka kasi mamaya namalik mata ka lang, baka jinojoke time ka lang ni Lord.

"Hindi ehhhh. Andito pa rin talaga ehhhh. Tinweet talaga ako ehhh. Punyeta joahyo daw oh!! TANGINA!!!!"

Tinaklob mo ang unan sa mukha mo at doon tumili.

After mong mahimasmasan, nagcompose ka ng reply sa Bangtan.

@BTS_twt 오빠 감사합니다아아앙 ㅠㅠ

Sinend mo na ang tweet.

Pawis pawis na yung kamay mo nung sinend mo yun.

Nagfeeling ka at nag antay ng reply galing sa Bangtan.

"Di naman masama umasa diba, Lord?"

3 minutes.

10 minutes.

30 minutes.

45 minutes.

Wala pa ring reply.

Di mo napansing nakatulog ka na pala.

Nagising ka dahil sa tunog ng alarm sa phone mo.

Bangang kang bumangon at chineck ang phone mo.

Pikit pa yung isa mong mata dahil nakakasilaw yung screen.

Nagulat ka dahil may notif ka galing twitter.

"Shit nakalimutan kong patayin yung wifi kagabi!"

Sinlide mo yung screen para makita  yung notif:

방탕소년단 liked your tweet






[KKEUT]

BTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon