JUST ONE DAY; Taehyung

1.1K 48 12
                                    

"Joyce-ya, I miss you..."

Nilapag nya yung mga dala nyang pagkain sa harap ko.

I miss you too.

"Kainin mo yan ha! Niluto ko yan para sayo."

Natawa naman ako, kailan pa to natutuong magluto?

"Nagpaturo ako kay Jin-hyung kaya sigurado akong masarap yan."

Naupo sya sa tabi ko.

Kainis ka naman Taehyung, ang gwapo mo pa rin.

"Ang ganda ng panahon ngayon no, pero mas maganda ka pa rin."

Gago, sinong niloko mo.

"Joyce, alam mo, ginawan kita ng kanta."

Yes naman. Composer na pala tong alien na to.

Sige nga, parinig ako.

"Ehem, ehem.....mic check."


Anong mic check gago, asan yung mic?


Patawa poreber talaga tong boypren ko.


"Ito na...."

Ipinikit ko yung mga mata ko.


Gusto kong damhin kung ano man yung kakantahin nya.


"Haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon.

Haruman neowa naega sonjabeul su itdamyeon.

Haruman....neowa naega hamkkehal su itdamyeon..."

Nakangiti sya habang kinakanta nya yun.

Hindi ko namalayan pero umiiyak na pala ako.


Bukod kasi sa ang ganda ng boses nya, saktong sakto sa amin yung kanta.

Kung may isang araw lang ako para makasama ulit sya.

Kung may isang araw lang ako para mahawakan ulit yung mga kamay nya.

Gagawin ko yun.

Bigla namang nag ring yung phone nya.

"Hello? Oh, Jin-hyung! Ha? Ngayon na? Nandito kasi ako ngayon sa- psh. Sige na nga...oo na. Bye."


Itinago na nya ulit yung phone nya at humarap sakin.


"Paano ba yan, Joyce, aalis na ako ha?"

Ang bilis naman. Parang wala pang isang oras e.


"Babalik ako, promise."


Napanatag naman ako sa sinabi nya.


Pag sinabi nyang babalik sya, babalik sya.


Pinagpag na nya yung damit nya.


Puro damo kasi.


"Ano ba yan, Joyce, ang hahaba na naman ng damo dito."

Oo nga e, di kasi nililinis ni Manong.


"Di bale, next time na dadalaw ako, ako na mismo mag gugupit neto."

Natuwa naman ako, alaga pa rin talaga ako ni Taehyung kahit wala na ako sa tabi nya.


"Aish. Ang lakas kasi ng hangin e."


Sinindihan nya ulit yung namatay na kandila sa harapan ng litrato ko.


"Ay oo nga pala, Joyce! Binilhan kita ng bulaklak. Sana wag malanta agad..."


Inilapag nya yung daisies sa ibabaw ng puntod ko.


Salamat Taehyung ha?


"Alis nako, Joyce. See you next time, antayin mo ko ha?"


Tumayo na sya.


Aantayin kita.


Habang palayo sya ng palayo, hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko:

Kung buhay pa kaya ako, kami pa rin?



[kkeut]

BTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon