BEAUTIFUL; Jin

772 32 4
                                    




"Psst." Pagtawag ko sa kanya.

Kaharap ko ngayon ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo, si Kim Seokjin.

"Pssst."


Tinaasan nya lang ako ng kilay.

Ay wow. Snob pala sa personal ang koya mo. Kinagwapo nya yan ah. Ay mali, kinaganda pala. Hihihihi

"Pssssssst!"

"Isa pa, ihahataw ko tong libro na to sa mukha mo."

Tinaas naman nya yung librong hawak nya.

Basics of Baking


Ay. Seryoso na si koya. Katakot ah. Medyo nagbehave na ako kasi ihahampas na daw nya sakin yung libro na hawak nya. E ang kapal nun te, baka madedo ako pag nagkataon.


Hays, ang sungit naman ni bespren pag may time.


Pero maganda pa rin sya. Ahihihi


"Jin!!"


Tinusok tusok ko yung kamay nya.


Nandito kami ngayon sa library para magbrowse ng recipe para sa finals namin sa Baking next week.


"Ano?"

"Ang ganda mo. Hihihihi"

Nagbeautiful eyes pa ako para kunwari cute ako. Ang ganda nya kasi, kailangan kong humabol. Di pwedeng napagiiwanan ako nitong bespren kong pretty.


"Ulol." Bulong nya sakin.


Tingnan mo to.


Sya na nga pinupuri sya pa may gana mag-inaso.


Actually, di naman bakla si Jin.

Or di ko lang alam? Ewan ko ba dito. Gwapo naman sya, matangkad, matalino, magaling kumanta, pero wala pa ring nagiging girlfriend ni isa!!

Minsan nakakaamoy na talaga ako e.

"Jiiiiin!" Muli kong pagtawag sa kanya.


Wala kasi akong magawa dito sa lib. Eh paano ba naman kasi, inako na ni Jin lahat ng gagawin.

Sya na daw sa recipe, sya na sa costing, sya na rin gagawa ng purchase order, edi sa kanya na lahat!!

Pati Pinakapretty-ng Award of the Year sa kanya na din. Ahihhihi

"Wag ka ngang magulo dyan naiirita ako sayo e."

"Ay, ang sungit naman nya. Meron ka?" Tanong ko sa kanya tapos palihim na tumawa.

Nagulat naman sya at naisara yung libro na binabasa nya.

"Lalaki ako, paano ako magkakaroon?!"

Ang lakas ng boses nya. Muntik na nga akong maiyak kasi talsik pa laway nya sa mukha ko.

Magharap lang naman kami pero nakasigaw na agad sya. Buti nalang wala yung librarian at nandito kami sa pinakasulok ng lib. Tsk!

"Oh edi wala!! Galit ka agad? Guilty ka lang eh!" Sumigaw na rin ako. Hindi lang sya yung marunong sumigaw dito no!!

"Paano ba naman kasi, lagi mo nalang akong inaaasar sa mga ganyang bagay. Nakakairita na!"

Namumula na sya.

Hala lord, nasagad ko na yata ang patience meter ng pretty kong bespren na si Jin. HUHUHUHU

Hindi ko alam yung sasabihin ko kasi tinataasan nya ako ng boses, natataranta ako.

"Eh kasi naman Jin! Simula grade school hanggang high school tapos ngayong pati college ni minsan di man lang kita nakitang tumingin sa babae!! Ni isang beses!! Tapos wala ka pang ibang guy na friends!! Lagi ka lang nakadikit sakin. Tas ang hinhin mo pa kumilos. Daig mo pa yung mga nilabhan ko kahapon na binabad ko sa downy sa sobrang lambot mo. Favorite color mo yung pink. Tapos ang ganda ganda mo pa mas maganda ka pa sakin. Aminin mo na nga kasi naffrustrate na din ako sayo e. Bakla ka ba o ano?!"

Hingal na hingal ako after nung line ko na yun.

In fairness at di ako nawalan ng hininga. Pwede na akong athlete.

Nakatulala lang sakin si Jin.

Yung mata nya nakakatakot. Parang manunusok na ewan.

Natatakot ako dahil sa titig nya pero di ako nagpahalata. Strong akong babae.

"Ano sumagot ka. Bakla ka ba? Bakla ka nga sig-"

Naputol yung sinasabi ko nang bigla nyang ilapit yung mukha nya sa akin at halikan ako.

Sa lips mga ate.


Sa labi.


Oh gad.



Bat ang lambot ng labi netong baklush nato???


Pagkatapos ng ilang segundo ay tinapos na nya ang halik.

Pero yung mukha nya, nakadikit pa rin sa mukha ko.


Forehead to forehead kami.

Di ako makapag react kasi di ko naman alam kung anong irereact ko.

Bigla syang nagsalita.


"Unang una sa lahat. Hindi ako bakla. Hindi ko maintindihan kung alin sa mga salitang yun ang di mo magets at asar ka pa rin ng asar sakin ng bading. Di ako bakla kasi simula grade school hanggang high school pati ngayong college, isa lang ang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Di ako bakla kasi hindi ko magawang tumingin sa ibang babae kapag sya ang kasama ko. Di ako bakla kasi wala akong ibang kaibigang lalaki kasi baka mabangasan  ko lang sila kakaporma sa babaeng yun. Di ako bakla kahit lagi akong nakadikit sa kanya kasi sa tuwing andyan sya, masaya ako. Di ako bakla kahit mahilig ako sa pink kasi yun yung favorite color nya. Hindi ako bakla at lalong hindi ako maganda kasi para sa akin, sa kanya lang nababagay ang salitang maganda. At ang pinakahuli pero pinaka importante sa lahat...makinig ka. Hindi ako bakla dahil gusto kita."



[KKEUT]

BTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon