Ano nga ba ang tunay na dahilan
Nang salitang pagkakaibigan.
Ito ba'y kusa mong matututunan.
Or dapat lang na hayaan.Mula sa usapan at tawanan.
Mayroon ding kaunting tampuhan.
Hindi pagkaka-unawaan.
Galing sa simpleng asaran.Kapag may nabuong nararamdaman.
Nasa bingit agad ang pagkakaibigan.
Kailangan mong mamili sa dalawa.
Kung anong mas matimbang.Kapag pinili mong mahalin siya
Mawawala ang pagkakaibigan
Kapag pinili mo bilang kaibigan
Masasaktan naman siyaBakit pa kailangang pumili ng isa.
Hindi ba pu-pwedeng dalawa?
Kailangan mong tumaya sa isa
Kahit kapalit ay pangako sa isa't isa.Hindi mo kayang lumayo
Hindi rin makapag-desisyon.
Sana may sumagot,
Sa napakahirap na sitwasyon na 'to.Isang malaking pala-isipan sa isip mo
Bakit kailangan humantong sa ganito.
Hinding-hindi ko inaasahan ito.
Ako'y litong-lito at natutuliro.Oh Diyos ko! Laking problema nito.
Hindi mo man aminin sa sarili mo,
Ayaw mong mapalayo sa piling nito.
Ano bang dapat gawin mo?Pilit bumabagabag sa damdamin mo.
Buong araw siyang nariyan sa isip mo.
Kusang kumakabog ang puso mo.
"Ano ba 'tong nararamdaman ko?"Mula sa simpleng pagkakaibigan
Nahulog ang isa nang hindi sinasadya.
May namuong pag-iibigan
Sa pagitan ninyong dalawa.Sana makamit niyo ang hangganan.
At kaligayahan ng isa't isa.•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•┈
Kindly vote for continues support. Thank you!
Written by groveswithleaves
XOXO ❥・•
YOU ARE READING
VILLANELLE: Collection of Poetries
Puisi[Filipino and English Poetries] A collection of poems written in both english and filipino languages. With these, I am comfortably can express my thoughts and feelings that I've been hiding for a long time. These are all originally made by me. Ple...