Prologue

3 0 0
                                    

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

Sasaya kung mabuti ang grades, pagsisisihan kung hindi. Maglilinis ng kwarto pag gusto, kakain kung magugutom. At higa na lang ulit pag nawalan na ng gana

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

Ang maganda sa bagyo, walang pasok. Selfish, oo. Pero ganoon ang nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa akin? Dati enthusiastic ako sa pag-aaral. May mga pangarap ako kaya pursigido ako. Ba't ngayon wala akong gana?

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

Academic achiever. Best in English, best in Arts. Dati lang, anong nangyari sa akin ngayon? Hindi ko talaga alam. Namamanhid na yata ako. Ewan ko kung anong nangyayari sa buhay ko.

Ewan ko rin kung anong gagawin ko sa hospital bills na nasa gilid ko ngayon, paano ko babayaran, paano ko susulusyonan,

.. paano ako...tatagal dito sa mundong to

I'm torn between doing something or just lying flat here in my bed. Eh ano ngayon kung may heart disease ako? Ano gagawin ko? May sakit nga ako at wala akong mahingihan ng tulong, so what? Syempre mamatay na lang ako.

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog *sigh*.. medications. You know what, scratch that

All my life, nagbabad ako sa studies then malalaman ko lang na malapit na ako? Hello? May pangarap pa ako! Lord, you can't be serious!

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

Gising, ligo, kain, aral, tulog
Gising, ligo, kain, aral, tulog

"Ugrrgh!" I groaned at pinagsisipa ang hangin habang nakahiga ako. "Pisteng buhay to.. Kelan ba ako mawawala! Pwede bang ngayon na??"

Unti-unting tumulo ang luha ko sa kanang mata, pero nakatulala pa rin ako sa kawalan. Wala akong planong punasan ang mukha ko, pagod na ako. Ano ba tong nararamdaman ko, talaga bang nalulungkot ako? O napapagod lang?

Hindi ko na alam.. At wala akong pakialam. Tama nga siguro ang mga kaibigan ko, nagiging manhid ako. Ganoon din sa katawan ko, kakain lang pag nanginig na, malalaman mong pagod ka pag natulog ka, malalaman mong naging masaya ka pala pag nalungkot ka.

Nakatulala ako sa kisame nang gumawa ng tunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinginan ang nagnotify

"This message is for you" basa ko sa tab

Alas dose na nang hatinggabi, who the heck messages someone at this hour? Well, emergency siguro. Pero wala namang number? Inopen ko na lang ito at napakunot ang noo sa nabasa

Are you feeling depressed and no longer have will to live? We got you~

At the back of Kapehan ni Aling Mimi.
Tomorrow, 8:00 am

Cyberfantasy Where stories live. Discover now