"ARGH SHIT!"
Napadaing ako nang matilapon ako malapit sa pader. Buti na lang ay matigas tong suit na soot ko. Uso gender equality dito kaya kahit babae ka gaya ko, wala kang takas sa malupit na hampas
BRRT BRRT BRRT BRRT
Shit, kailangan ko magtago! Lumingon ako sa harap ko at may nakita akong obstacle na dark ang kulay. Maganda dahil black itong battlesuit ko.
Naririnig ko na ang mga putok ng rifle, kinailangan ko nang lumayo. Habang maingay ang paligid, nagtago muna ako sa malapit na obstacle at pinindot ang aking relo. Doon ay may lumabas na lumulutang na screen
Player : Gianne Masalanta / Gigi034
Profile
Purchase item
Call Backup
___________
Weapons
Food
Equipments
___________
Healing
Atk-boosting
Def-boosting
Stamina
Andaming lumabas sa stamina panel! Pinindot ko na lang ang suki kong energy drink. Nabawasan ng 50 ang pera ko pero okay lang. Pagkapindot ko ay may lumabas na bote sa screen, literal. Ininom ko ka agad iyon. Magic , ano?
BANG
Lumalapit na ang shooter at mejo nadagdagan energy ko kaya agad akong tumalon sa mas mataas na platform. Buti itong suit ko nagboost ng movements ko kaya mataas ang pagtalon ko. Meron akong suot na matigas na boots at umiilaw ito pag na-detect ng motion sensor niya na tatalon ka. Galing no?
Tumakbo ako nang tumakbo sa platform na iyon, letse, nahulog ko kasi ang weapon ko kaya ang ginagawa ko puro iwas. Kung titignan ang paligid, puro building na matataas ang nasa kanan ko habang sa kaliwa ay si mother nature. Tama, nasa tulay ako na naghahati sa dalawang theme ng siyudad.
"Cyberia Fantasia" yun ang sign na nasa uluhan ko pero todo baril ang gago kaya nagkanda-butas na ang signage. Ako na tinatarget niya dahil wala akong weapon!
Todo ang pagtakbo ko kaya nagulat ako nang may tumawag sa akin sa tabi ko "huy!" Tumatakbo rin ito
Nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko ang pangalan niya, "Ezekiel ^_^" pwede palang maglagay ng emoticon sa username?? Hindi pa rin kami tumigil sa katatakbo. Muntik tamaan ng bala ito pero may shield siya sa likod
Nakikita ko ang iba pang detalye niya, thanks to my ever-reliable glasses.. visor.. salamin or kung ano man ang tawag dito.
"Ikaw.. yata yung.... hinimatay...kahapon?" Diretso siyang nakatingin sa daan. Napakunot ang noo ko, mamamatay na kami at lahat-lahat yan pa talaga ang sinabi niya? I was expecting some more sensible words from him kasi nakicatch up siya
"Anong kailangan mo?" Tanong ko, bigla niyang binaba ulo ko nang may obstacle sa harapan namin. "Woah thanks."
"So ikaw nga. That's your voice" Hinihingal niyang wika. Napatigil kami sa isang eskenita, binuksan niya ang screen niya at bumili ng drink "Everyone thought you died, buti ay na-revive ka sa headquarters"
"Ah"
"Nakita kitang tumatakbo kaya nakasabay ako sayo ngayon. Dahil sa nangyari kahapon, napaisip ako na isa kang noob pero nakita kong magaling kang tumakas kanina. Maybe you're not that bad at all " wika nito at napainom
YOU ARE READING
Cyberfantasy
Science FictionThis is your voice announcer and here is the news for today : More than 50 people or should I say- players will join in a futuristic ride! Only the strong will remain The game will start soon, dear player! Might I remind you that this battle is not...