Chapter 4: So It's True

1 0 0
                                    

Aster

Crowd's noise filled the entire classroom. Wala kasi ang teacher kaya maingay. Me and my girlies are just sitting at the back, having our own worlds.

I was busy looking through my phone when Hannie suddenly talked about her undying love with Lucian. Namumula na naman siya dahil nagkaroon sila ng simple interaction.

"Nakita mo yun? Hinawi niya yung buhok ko!" mahinang bulong ni Hannie sakin.

"What if beh crush ka nun?" pandadagdag ko sa pagkadelulu niya.

"Huy wag, baka umasa ako. Uto-uto pa naman ako." sabi niya at natawa.

"Sige beh, kung san ka masaya." tumatango-tangong sabi ko.

Humagikgik siya at kay Zara naman kinwento. Narinig ko ang kanilang mga hagikgikan at ang pasimpleng pagsilip nila sa mga crush nila. Buti nalang wala dito ang crush ko, nasa kabilang room kasi.

"Zara, tumitingin si Alex dito oh." pagkalabit ko kay Zara.

"Hala, oo nga. Ihhh!" maarteng sabi niya at hinampas pa si Hannie. Ginantihan naman siya ni Hannie.

"Kailangang manghampas pag kinikilig?" kunwaring inis na sabi ni Hannie.

"Oh bakit? Ikaw nga nangangagat."

"Ginawa mo namang teether si Zara." natatawang sabi ko.

"Oo nga. Ikaw talaga, Harmonious, you're so silly."

"Mahilig kasi ako sa maanghang."

--

Binuksan ko ang gripo after kong umihi. Nag CR kasi kaming tatlo. Hindi pa tapos ang dalawa, siguro mga kakapasok lang. Hinugasan ko ang aking kamay at nag-retouch ng kaunti. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Para akong nahihypnotize at tumatagal ang pagtitig ko.

Mayamaya ay nagulat ako nang unti-unting nawawala ang pigura ko sa salamin. Nanlaki ang mata ko at tinaas ang aking kamay. Tumingin ako sa salamin at nakitang wala parin ang figure ko don. Kinabahan ako bigla at naisip na baka hindi guni-guni ang nangyari last week.

Yes, it's been a week since something strange happened to us. And sa loob ng one week na yun ay wala na ulit nangyari samin. But now.. It seems like it is real.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano kung makita ako nila Zara? Im so freaking out right now. Tumingin ako sa kamay ko at napasigaw ng makitang wala rin akong kamay. Parang naging invisible bigla.

"Huy, Aster! Bat ka sumisigaw dyan?" sigaw ni Zara.

Agad akong napalingon sa cubicle kung nasaan siya. Napalunok ako at umiling na parang nakikita niya ako.

"A-Ah, wala. May nakita lang akong ipis." pagsisinungaling ko.

Nagulat ako ng may biglang bumukas ng pintuan ng CR. Isang babae ang pumasok roon, naka light brown na damit at black pants. She looked at me and washed her hands. Kinabahan ako. Did she looked at me? Can she see me?

Tinitigan ko lang sya habang naghuhugas sya ng kamay niya. Napansin niya siguro kaya huminto sya at tiningnan ako.

"Uh, miss? Okay ka lang?" tanong niya.

Napatingin ako sa aking likuran, baka kasi lumabas na pala si Zara o si Hannie at yun ang tinatanong nya. Ngunit wala akong nakita sa aking likuran kundi ang pader. Napatingin ako sa sarili at tinuro ang aking dibdib.

"A-Ako?" sabi ko, nautal pa. "A-Ako ba ang kinakausap mo?"

"Uh, duh? Of course. Sino pa bang tao dito bukod satin na kanina pa nakatingin sakin?" masungit na sabi niya.

The GIFTEDWhere stories live. Discover now